BTS Suga hahataw sa sariling online talk show, sasabak sa 1-on-1 inuman | Bandera

BTS Suga hahataw sa sariling online talk show, sasabak sa 1-on-1 inuman

Pauline del Rosario |December 01,2022
facebook
share this

BTS Suga hahataw sa sariling online talk show, sasabak sa 1-on-1 inuman

Pauline del Rosario - December 01, 2022 - 05:22 PM

BTS Suga hahataw sa sariling online talk show, sasabak sa 1-on-1 inuman

PHOTO: Instagram/@agustd

MATAPOS maglabas ng solo music ang ilan sa mga miyembro ng Korean pop sensation na BTS, iba naman ang tatahakin ng isa pa sa miyembro ng grupo na si Suga.

Imbes kasi na pagtuunan ang kanyang oras sa musika ay naisipan naman niyang gumawa ng sariling talk show.

Ito ang “Suchwita” na mapapanood YouTube at Weverse simula nitong darating na December 5.

Para sa kaalaman ng mga ka-bandera, ang ibig sabihin ng Suchwita ay “time to get drunk with Suga.”

So ang ibig sabihin nito, ang magiging guest ni Suga sa kanyang online talk show ay kailangang makipag-inuman sa kanya habang pinag-uusapan ang mga topics na tungkol sa musika at marami pang iba.

Ayon sa pahayag ng talent agency na Bighit Music, “Suga, who is witty with his words, is expected to carry out in-depth talks with his guests and bring out the best in them.”

Ibinandera pa mismo sa official Twitter account ng BTS ang teaser ng first episode ng kanyang talk show.

Libo-libong fans naman ang excited na sa bagong career ni Suga at ilan sa kanila ay tila nahulaan na ang first guest sa unang episode ng show.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section.

“I wonder who this could be. Feels like I’ve seen this smile before. Shouldn’t be so difficult to know whose”

“YOONGI INTERVIEWING HIS BESTIE NAMJOON WHILE HAVING DRINKS (crying emoji)”

“Like why did they cover half of his face we know it’s Namjoon”

Ang recent project ni Suga ay ang collaboration song nila ng Korean star na si Psy para sa kantang “That That.”

Bukod sa talk show ni Sugay ay looking forward din ang maraming fans sa ilalabas na solo album ng BTS leader na si RM.

Pati si Jin ay nakatakda na ring pumasok sa kanyang “mandatory military service” sa South Korea ngayong buwan, ayon sa mga kumakalat na ulat.

Related chika:

BTS leader RM inilabas na ang ‘tracklist’ ng upcoming solo album

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

BTS Jin mag-uumpisa na sa military service, fans naging emosyonal: ‘We will wait for you’

Ryan nag-ala BTS sa bonggang debut party ni Yohan; Juday may emosyonal na birthday message

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending