BTS leader RM inilabas na ang ‘tracklist’ ng upcoming solo album Bandera

BTS leader RM inilabas na ang ‘tracklist’ ng upcoming solo album

Pauline del Rosario |November 28,2022
share this

BTS leader RM inilabas na ang ‘tracklist’ ng upcoming solo album

Pauline del Rosario - November 28, 2022 - 02:27 PM
BTS leader RM inilabas na ang ‘tracklist’ ng upcoming solo album

PHOTO: Instagram/@bts.bighitofficial

ILANG araw nalang, ilalabas na ng K-Pop group leader ng BTS na si RM ang kanyang solo album na pinamagatang “Indigo.”

Pero lalong pinasabik ni RM ang kanyang fans matapos ilabas ang tracklist ng inaabangang album.

Ibinandera ito mismo ng kanyang talent agency na Bighit Music sa social media.

Sampung soundtrack ang laman ng “Indigo” album at kabilang na riyan ang ilang collaboration song kasama ang mga bigating international artists!

Isa na riyan ang American singer-songwriter na si Erykah Badu at Grammy-winning rapper na si Anderson .Paak, pati na rin ang Korean-Canadian singer na si Paul Blanco at British singer Mahalia.

Ang “Indigo” album ay nakatakdang ilabas sa December 2.

Matatandaang naglabas na ng solo mixtapes si RM noong 2015 at 2018.

Kamakailan lang din ay naglabas ng solo single ang isa niyang ka-miyembro na si Jin.

Ito ang “The Astronaut” na isang collab song kasama ang British rock band na Coldplay.

May kumakalat din na chika tungkol kay Jin na papasok na siya sa kanyang “mandatory military service” sa Disyembre.

Wala pang kumpirmasyon galing mismo sa kanilang talent agency at South Korean Ministry of Defense.

Pero ayon sa Korean media outlet na Soompi, sisimulan ni Jin ang kanyang five weeks basic military training sa Gyeonggi Province sa December 13 at pagkatapos niyan ay nakatakda naman siyang i-deploy sa “frontline unit.”

Matatandaang noong Oktubre, inanunsyo ng BigHit Music na papasok na sa military service ng South Korea ang lahat ng BTS members.

Inaasahang muling magsasama ang grupo sa 2025 pagkatapos ng military service.

Related chika:

BTS Jin mag-uumpisa na sa military service, fans naging emosyonal: ‘We will wait for you’

Ryan nag-ala BTS sa bonggang debut party ni Yohan; Juday may emosyonal na birthday message

Beyonce humakot ng nominasyon sa Grammy Awards; BTS gumawa muli ng kasaysayan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending