Trina ‘Hopia’ Legaspi muling ikinasal, may bonggang gender reveal party pa: My Bulilit is a girl! | Bandera

Trina ‘Hopia’ Legaspi muling ikinasal, may bonggang gender reveal party pa: My Bulilit is a girl!

Pauline del Rosario - January 06, 2023 - 12:51 PM

Trina ‘Hopia’ Legaspi muling ikinasal, may bonggang gender reveal party pa: My Bulilit is a girl!

PHOTO: Instagram/@trinalegaspi

THE long wait is over!

Dahil ibinunyag na ng dating child star na si Trina Legaspi o mas kilala bilang si “Hopia” ang gender ng first baby nila ng non-showbiz husband na si Ryan Jarina.

At ang kanilang panganay ay isang baby girl.

Ang exciting news ng mag-asawa ay inanunsyo sa publiko sa pamamagitan ng latest YouTube vlog ni Trina.

Mapapanood sa video na isinabay ang gender reveal party sa naganap na wedding reception.

Sa ikalawang pagkakataon kasi ay muli palang ikinasal ang dalawa sa Christ the King Parish sa Quezon City.

Sa umpisa ng YouTube vlog ay nagbigay ng heartwarming message ang asawa ni Trina sa pamamagitan ng isang sulat.

Binasa naman ito ng aktres at ayon sa letter ni Ryan, “To my wife and future mother, I’m so excited for what the future holds. 

“I’m looking forward to starting our new family together.”

Patuloy pa sa mensahe, “Last year was the start of our journey as husband and wife and soon it will be as father and mother. 

“Whether our child is boy or girl, as long as he or she is healthy that’s all I pray for.”

Ipinakita din sa vlog ang ilang masasayang highlights ng naging reception ng dalawa kasama ang mga pamilya at malalapit na kaibigan.

Sa bandang huli ng video naman ay biglang lumabas ang maskot nina Minnie at Mickey Mouse na may dalang brown envelope at doon nakalagay kung ano ang kasarian ng first baby ng dalawa.

Tuwang-tuwa naman sina Hopia at Ryan nang malaman na babae ang kanilang anak.

Pagkatapos niyan ay pinasalamatan ni Trina ang lahat ng dumalo sa kanilang espesyal na araw.

Sey ng dating child star, “Una sa lahat, thank you dahil nandito kayo lahat. 

“I know, super rush nung invitation and super rush ‘yung planning nito, pero andito kayo presently.”

“For us, importante ‘yung presence ng lahat and, siyempre, thank you for celebrating with us,” dagdag pa niya.

Kung matatandaan, nag-propose si Ryan kay Trina noong November 2020.

Una silang ikinasal noong November 2021 sa Holy Trinity Church sa Quezon City at sinundan ng bonggang reception sa Conrad Manila.

Ilan sa mga nagsilbing bridesmaid sa kasal noon ay ang mga kaibigan ni Hopia na sina Michelle Vito, Angeli Gonzales at Liza Soberano.

Naroon din ang mga kaibigan ni Hopia at dating mga kasamahan sa “Goin’ Bulilit” na sina CJ Navato, John Manalo at Igi Boy Flores. 

Naka-attend din sina Enzo Pineda, John Manalo, CJ Navato, Eliza Pineda, Camille Mortiz at Badjie Mortiz.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Trina “Hopia” Legaspi (@trinalegaspi)

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dating ‘Goin Bulilit’ star Hopia Legaspi ikinasal na sa kanyang non-showbiz dyowa

I survived COVID-19! Grabe ‘yung experience na ‘to! – Hopia Legaspi

Ex-Goin Bulilit star Hopia Legaspi engaged na: Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending