Ex-Goin Bulilit star Hopia Legaspi engaged na: Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap! | Bandera

Ex-Goin Bulilit star Hopia Legaspi engaged na: Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!

Ervin Santiago - November 29, 2020 - 11:09 AM

“HINDI na ito prank, totoong may kasalang magaganap!”

Ito ang super excited na sabi ng dating “Goin’ Bulilit” star na si Trina Legaspi o mas nakilala ng madlang pipol sa tawag na Hopia.

Yes, engaged na nga ang dalaga sa kanyang boyfriend of six years na si Ryan Jarina matapos itong mag-propose kahapon.

Nag-share ng ilang litrato si Hopia sa kanyang Facebook page ng mga naganap sa wedding proposal na nasaksihan din ng kanilang pamilya ay ilang malalapit na kaibigan.

Narito ang kabuuan ng FB status ng dating Kapamilya child star matapos mag-yes kay Ryan, “11/22/20 6 years together and forever!!! Without a doubt, in a heartbeat, I said YES!

“I can’t wait to marry my first and only love. Finally, malapit na tayong mag-travel na tayong dalawa lang! Yey!!
“Grabe Babe, na-SURPRISE talaga ako, akala ko ‘nung una ‘di pa para sakin ‘yung proposal! Hahaha! I’ll share with you guys our proposal story soon. Hindi na ito prank, totoong may kasalang magaganap!!!”

“Thank you Lord for giving me my destined partner. It’s worth the wait talaga! I love you fiancé!! Yes, fianceeee na. Any hashtag suggestions? Ang mapipili, may special gift from us!” sey pa ni Hopia gamit ang mga hashtag na #KatRyanKoyIkaw at #DiHopiasiRyan.

Kamakailan lang, nag-post ng mukbang vlog si Trina sa kanyang YouTube channel kasama ang kanyang Daddy Ding at Mommy Minnie.

May isang netizen ang nagtanong kung handa na nga ba ang kanyang parents na mag-asawa na siya.

“Eh, di right age. Tapos ngayon ko lang na-feel na napakasarap pala ng may apo. So sa edad namin ni Mommy na senior citizen na nagkaroon ng apo, right time na palagay ko lalo pa’t kayo naman ay may hanapbuhay din na matatag. Tapos na kayo mag-aral,” sey ni Daddy Ding.

“Kumbaga ang role ng isang magulang kasi, mapagtapos ang anak at masubaybayan hanggang sa siya’y magkaroon din ng pamilya.

“Dapat medyo bata bata pa ‘yung lolo para makasama niya ng matagal ang kanyang mga apo. Tapos kami naman, nakasubaybay, nakasuporta para maging successful ang marriage niyo ng iyong future husband,” dagdag pa niyang chika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para naman sa kanyang Mommy Minnie, “Ako gusto ko 2022 pa nga eh kung masusunod, eh. Kasi nga, bata pa. At least wala nang pandemic siguro. COVID-free na.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending