Maris Racal nagpasabog ng good vibes sa socmed dahil sa 'HNY': 'Akala ko HENNYYY...Happy New Year pala yon!?' | Bandera

Maris Racal nagpasabog ng good vibes sa socmed dahil sa ‘HNY’: ‘Akala ko HENNYYY…Happy New Year pala yon!?’

Ervin Santiago |January 05,2023
facebook
share this

Maris Racal nagpasabog ng good vibes sa socmed dahil sa ‘HNY’: ‘Akala ko HENNYYY…Happy New Year pala yon!?’

Ervin Santiago - January 05, 2023 - 08:09 AM

Maris Racal nagpasabog ng good vibes sa socmed dahil sa 'HNY': 'Akala ko HENNYYY...Happy New Year pala yon!?'

Maris Racal

BIGLANG umingay ang pangalan ng Kapamilya actress at singer na si Maris Racal matapos umamin sa  nakakalokang “blooper” niya sa pagpasok ng Bagong Taon.

Tawang-tawa at aliw na aliw sa dyowa ni Rico Blanco ang mga netizens nang mabasa ang hugot nito sa Twitter tungkol sa ibig sabihin ng “HNY”.

Inamin kasi ng dalaga na kahit isa siyang millennial, ay ngayon lang niya nalaman kung ano ang meaning ng Gen Z online slang na “HNY.”

Ani Maris, napakarami raw kasi niyang nababasa na “HNY” sa kanyang social media feed mula pa noong Bagong Taon.

At bigla na lang daw siyang sinampal ng katotohanan sa ibig sabihin nito tatlong araw makalipas ang pagsalubong ng buong universe sa Year of the Water Rabbit.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maris Racal (@mariesteller)


Last January 3, ang nakakalokang post ni Maris sa kanyang Twitter account, “Akala ko HNY na tawagan ng lahat ng magbeshies. happy new year pala yon akala ko HENNYYY!”

Bumaha naman ng mga nakakatawang reaksyon sa comments section ng tweet ng aktres at in fairness, marami ang naka-ralate sa kanya na umaming late na rin nila nalaman ang meaning ng nasabing acronym.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga followers ni Maris sa Twitter.

“Same realizations bhe. Congratulations to us for realizing bago pa matapos ang unang buwan ng 2023.”

“Ako nga yung NYE, New Years Eve pala yun akala ko Nye Nye Nye Nye.”

“Akala ko nga horny e. HAHAHAHAHA.”

“Hahahahaha! dami tinamad kaya hny nlng parang text lang. may acronym na pala sya.”

“Palusot lang talaga yung happy new year. gusto talaga tawagin nila yung crush nila ng hennyyy hahahaha.”

“Niresearch ko pa to ano ba ung HNY. Hahaha HAPPY NEW YEAR pala kinnam.”

“Kala mo lang pala yan @MissMarisRacal, eh di sayawan mo nalang! Para happy to the max lang ang New Year natin diyan.”

Maris umaming maligaya sa piling ni Rico: I think it is very obvious…

Herlene Budol may ibinuking tungkol kay Jak Roberto: Akala ko ano siya…hindi pala!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Candy may nakakalokang karanasan nang tamaan ng COVID-19; umiiyak habang kausap ang doktor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending