Candy may nakakalokang karanasan nang tamaan ng COVID-19; umiiyak habang kausap ang doktor | Bandera

Candy may nakakalokang karanasan nang tamaan ng COVID-19; umiiyak habang kausap ang doktor

Ervin Santiago |May 16,2021
facebook
share this

Candy may nakakalokang karanasan nang tamaan ng COVID-19; umiiyak habang kausap ang doktor

Ervin Santiago - May 16, 2021 - 11:48 AM

TAWA kami nang tawa habang nagkukuwento ang veteran comedienne na si Candy Pangilinan tungkol sa nakakalokang karanasan niya noong magpositibo siya sa COVID-19.

Napag-usapan kasi ang pagkakaroon niya ng virus sa latest vlog ng kaibigan niyang si Gelli de Belen, kung saan nakasama rin nila sina Carmina Villarroel at Janice de Belen.

Naunang umamin si Gelli sa nasabing YouTube video na tinamaan din sila ng kanyang asawang si Ariel Rivera ng killer virus at makalipas ang halos dalawang linggo ay matagumpay nila itong nalampasan.

Kuwento ni Candy, Dec. 21, 2020  nang magpositibo siya sa COVID-19 pero minimal lang das ang naramdaman niyang sintomas kabilang na ang pagkahilo at pangangati ng lalamunan.

Aniya, agad siyang nag-self quarantine para hindi mahawa ang mga kasama niya sa bahay at tinawagan agad ang mga taong nakasalamuha niya para sa contact tracing.

Kakaibang lungkot din daw ang naramdaman niya noon dahil nga malapit na ang Pasko pero nagsosolo siya at nakakulong lamang sa kwarto.

Kasunod nito, ibinahagi nga niya ang nakakatawa at nakakalokang kuwento nang inakala niyang nawalan na siya ng panlasa.

“So, tumawag ako kay Em. Sabi ko ‘Em, padalhan ako ng cereal at saka gatas, kakain ako.’ Gabi na ‘yon mga 10. Pinadalhan ako.

“Pagkain kong ganoon, sabi ko, ‘Shucks ito na ‘yon.’ Nawalan ako ng panlasa, siguro mga Day 5 na yun,” chika ng komedyana.

“Tapos, tumawag na talaga ako sa doktor ko, as in umiiyak ako. Sabi niya, kapag nagsimula nang lumabas ang isang symptom, medyo diretso na ‘yon, sunod-sunod na.

“So ito na ‘yon siguro. Sabi ko, ‘Doc, wala na akong malasahan.’ Sabi niya, ‘Okay, idiretso mo lang ‘yung mga ginagawa mo, tapos mag-observation pa tayo.’ So umiyak na ako.

“After 10 minutes tumawag si Em, sabi niya, ‘Ate, panis ‘yung gatas.’ Serious, totoo ito. Totoo ito talaga. Panis yung gatas.

“So isipin mo, nagdrama na ako, umiyak na ako, panis ‘yung gatas!” seryosong kuwento pa ni Candy habang tawa naman nang tawa ang kanyang mga kasama sa vlog.

Sey ni Candy, nagpasasalamat siya kay Lord dahil kahit na nahawa siya ng COVID ay talagang inaliw at pinatawa pa rin siya nito.

“Sabi ko ‘Lord, grabe ka, pinapatawa mo pa ako.’ Kasi mental torture siya. Hindi ko naisip na panis ‘yung gatas kasi nga may COVID ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Mas malaki ‘yung chance na ako ‘yung mawalan ng panlasa, kaysa masira ‘yung gatas,” natatawa pang kuwento ni Candy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending