Christine Bersola isinugod sa ospital matapos lumafang ng pancake: 'Wala akong kalaban-laban...' | Bandera

Christine Bersola isinugod sa ospital matapos lumafang ng pancake: ‘Wala akong kalaban-laban…’

Ervin Santiago |January 03,2023
facebook
share this

Christine Bersola isinugod sa ospital matapos lumafang ng pancake: ‘Wala akong kalaban-laban…’

Ervin Santiago - January 03, 2023 - 07:33 AM

Christine Bersola isinugod sa ospital matapos lumafang ng pancake: 'Wala akong kalaban-laban...'

Christine Bersola at Julius Babao

NALAGAY sa peligro ang buhay ng TV host at Kapatid news anchor na si Christine Bersola-Babao nang dahil sa pagkain ng pancake.

Naikuwento ng asawa ni Julius Babao ang nangyari sa kanya kamakailan sa pamamagitan ng isang YouTube vlog upang magsilbi ring babala sa mga tulad niyang may allergy.

Pagsasalaysay ni Christine, isinugod siya sa ospital ni Julius matapos kumain ng pancake na naging dahilan para atikihin siya ng matinding allergy.

Sey ng TV host, hindi raw siya makatulog matapos mangyari ang insidente kaya nagdesisyon siyang ibahagi ang naranasang health scare.

“Hi Guys! Di ako makatulog kagabi so I decided to share my current life happenings to you via this video. Sana makatulong din sa inyo itong experience ko. I Purple You,” simulang pahayag ni Tin.

Agad daw siyang nagpadala sa St. Luke’s Medical Center nang makaramdam ng kakaiba pagkatapos lumafang ng pancakes sa kanilang bahay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Christine 🌹🇵🇭 (@christinebbabao)


“Nag-crave ako for pancakes so nagpaluto ako ng wheat pancakes using ready-mix galing sa Amerika… Yun ang aking breakfast,” kuwento ni Tintin sa kanyang vlog.

After kumain, naligo na raw siya dahil papasok na siya sa trabaho. At habang nagsa-shower nga ay nakaramdam na siya ng matinding pangangati sa mukha.

“Pagtingin ko sa mirror mayroon na akong isang pantal. I knew I was having an allergy attack,” ani Christine.

Bigla rin daw siyang nawalan ng boses hanggang sa magsara na rin ang daanan ng hangin sa kanyang ilong at na-feel din niya ang tila pagbabara ng kanyang lalamunan.

Sey ni Tin, una siyang inatake ng allergy matapos siyang kumain ng hipon. Late na raw niyang nalaman na may reaksiyon na raw ang katawan niya sa shrimp dahil dati naman ay nakakakain siya nito ng walang nangyayari sa kanya.

Sabi pa ng news anchor, todo raw ang dasal niya nang isugod na siya ni Julius sa emergency room. Sana raw ay huwag muna siyang kunin ni Lord dahil katatapos lamang ng Pasko.

“It’s to easy and too swift a death for me… wala akong kalaban-laban, kumain lang ako ng pancake,” sey pa ni Christine.

Samantala, bukod sa na-experience na allergy attack, nabanggit din ni Christine ang matinding pananakit ng kanyang likod dahil sa iniindang “neck arthritis.”

RK humingi ng tulong dahil sa allergy; Mega rumesbak sa basher na nagsabing steak lang ang bet n’ya

Albie sa paglalagay ng plaster sa kanyang ‘bukol’: Sobrang hirap, masakit siyang tanggalin!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Christine Bermas ayaw panoorin ang sarili habang nakikipag-sex sa pelikuka; nasigawan din ni Joel Lamangan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending