RK humingi ng tulong dahil sa allergy; Mega rumesbak sa basher na nagsabing steak lang ang bet n'ya | Bandera

RK humingi ng tulong dahil sa allergy; Mega rumesbak sa basher na nagsabing steak lang ang bet n’ya

Therese Arceo |October 06,2021
facebook
share this

RK humingi ng tulong dahil sa allergy; Mega rumesbak sa basher na nagsabing steak lang ang bet n’ya

Therese Arceo - October 06, 2021 - 06:29 PM

MARAMI ang nawindang sa latest upload ng aktor na si RK Bagatsing sa kaniyang Instagram account.

Ang naturang post ay selfie ng aktor kung saan namaga ang kaniyang isang mata dahil umano sa kaniyang allergy.

“Good morning! Today is tag-your-doctor-friend who can help me with this long time allergy. Any Allergist friends from the south? Or virtual consult? #SendHelp,” saad ng aktor.

Sa kabila ng iniindang allergy ay nagawa pa nitong magbiro ukol sa kaniyang selfie.

“Felt cute might delete later,” dagdag pa niya.

Umani naman ng comments ang naturang post mula sa mga netizens pati na rin ng mga kaibigan ng aktor sa showbiz.

“Cutie mo dyan bro,” comment ni Enzo Pineda.

“HAHAHAHAHA FELT CUTE MIGHT DELETE LATER,” comment ni Kyle Echarri na tila naaliw rin sa caption ng kaibigan. Reply naman ni RK, “might delete never (laughing emojis)”.

Mukha namang relate si Enchong Dee sa dinaranas ng aktor ag napa-comment ng “I feel you bro.”

Pero ang pinaka-havey na comment ay mula sa kaniyang dyowa na si Jane Oineza na umabot ng 608 likes.

“Hala crush pa rin kita,” sey ng aktres.

Marami tuloy sa kanilang supporters ang pinutakte ang comment ni Jane dahil ang aga-aga raw eh kay tamis tamis ng dalawa.

Well, kahit naman siguro babae ay crush pa rin si RK kahit na inaatake na ito ng allergy.

Wish naman namin na sana ay makahanap na si RK ng doktor na talagang makakatulong sa kaniyang allergy dahil mukhang matagal na itong iniinda ng aktor.

***

RUMESBAK si Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang basher na sinabing ang nais lang daw niyang kainin ay steak.

May isang netizen kasi ang pumuri sa aktres matapos nitong mapansin ng kaniyang pagpayat.

“What’s your secret in shedding those weight, you look great… keep up the good job and stay safe,” sey ng netizen.

Agad naman itong nireplyan ni Megastar ng at inaming inabot siya ng limang taon para mabawasan ang timbang.

“It’s taken me five years! bug since I got here I dunno why wala talaga akong gana kumain. Minsan one slice of pizza lang in a whole day. Minsan bibigyan ako ng two pieces na chicken ni di ko maubos,” sagot ni Megastar.

Dito na nga sumingit ang basher at nakisali sa usapan ng dalawa at inakusahan ang beteranang aktres at singer na steak lang ang gustong kainin.

Comment nito, “Gusto mo daw kasi steak. Napanuof ko si Mang Kanor… agri agri daw pero steak naman daw kinakain,” saad nito.

Bagamat walang direktang sinasabi ngunit ang tinutukoy yata ng netizen na “Mang Kanor” ay si Sen. Kiko Pangilinan na active sa kaniyang adbokasiya sa agrikultura na kaniyang binabahagi sa kaniyang YouTube channel.

“I know! Steak comes from livestock. Food source pa rin at kahit di naman araw araw steak ang kinakain, so what. Kahit buong baka ang kainin nyo when kaya nga nagtatrabaho para makakain ng mabuti ang pamilya at mga kasambahay!

“Kung yun lang naman ang mapipintas naku thank u! Kesa naman ninanakaw namin ang dapat sa taongbayan at ayaw namin i-explain saan napunta pera,” may lamang sagot ni Ate Shawie.

Mukha namang nasupalpal ang intrimitidang netizen dahil di na ito nagreply pa sa comment ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasi ba naman, you should never mess up with Ate Shawie dahil talagang makakatikim ka.

Anyways, may point naman si Megastar dahil ano bang pake ng tao if bet niya o hindi ang steak as long as binili niya ito sa sariling pera at marunong siyang i-share ang blessings niya sa iba ay go lang! Follow your heart, Ate Shawie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending