Albie sa paglalagay ng plaster sa kanyang 'bukol': Sobrang hirap, masakit siyang tanggalin! | Bandera

Albie sa paglalagay ng plaster sa kanyang ‘bukol’: Sobrang hirap, masakit siyang tanggalin!

Ervin Santiago |March 17,2022
facebook
share this

Albie sa paglalagay ng plaster sa kanyang ‘bukol’: Sobrang hirap, masakit siyang tanggalin!

Ervin Santiago - March 17, 2022 - 06:59 AM

Christine Bermas at Albie Casino

Christine Bermas at Albie Casino

“BININYAGAN” ni Direk Joel Lamangan ang Kapamilya hunk actor na si Albie Casino sa pakikipag-love scene sa bago niyang pelikula under Viva Films, ang “Moonlight Butterfly.”

First time gumawa ng sex scene ang binata sa isang pelikula kaya talagang nanibago at nahirapan siyang gawin ang mga ito.

Idagdag pa na baguhan din ang leading lady niya sa movie na si Christine Bermas kaya talagang effort kung effort ang ginawa niya para maging makatotohanan ang bawat eksena.

Sabi ni Albie, bukod sa love scenes, isa pa sa talagang challenging na ginawa niya sa “Moonlight Butterfly” ay ang paglalagay ng plaster sa kanyang private part para hindi ito makita sa camera.

“Yung pinakamahirap siguro ay yung love scene namin ni Christine bilang conservative akong lalaki so nahirapan ako sa mga ganung bagay. First time ko rin kasing magkaroon ng love scene tapos ganu’n pa ka-intense,” pag-amin ng aktor sa online presscon ng “Moonlight Butterfly.”

Dagdag pa niya, “Yung plaster, pinakamahirap din talaga yon especially taking it off, putting on, first time ko kasing kailangang magsuot ng plaster. Doon talaga ako nahirapan. Masakit siyang tanggalin.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09)


Natanong din si Albie kung naapektuhan o na-turn on ba siya habang ginagawa nila ni Christine ang kanilang mga intimate scenes. Sabi ng aktor, normal lang daw naman daw na makaramdam ng something ang lalaki sa mga ganu’ng eksena.

“Bilang artista, feeling ko kung intimate yung scene kailangan mo yung libog, eh, like it’s part of it.

“Hindi naman kami nagkukunyari dito while we were doing scenes, we put ourselves in the situation and we really… talagang ginagawa namin yan so I use it di ba, ginagamit ko na lang siguro yung libog sa eksena,” paliwanag ng binata.

Samantala, inamin naman ni Albie na ginagawa niya ngayon ang lahat para sa mas lalong ikagaganda ng kanyang showbiz career.

“You know, ang hirap talaga nu’ng pandemic for all of us. Simula 2019, 2020, 2021 talagang ang hirap ng work. Personally speaking, para po sa akin hirap na hirap po ako sa tatlong taon na yon.

“But thankfully, di ba, sobrang dami ng pasasalamat ko dahil pagkalabas ko pa lang ng PBB (Pinoy Big Brother) ito na kaagad yung sinasabi ko na, ‘This is it, ito na yung second chance ko.’

“Kasi nu’ng nagsimula ako sa showbiz sobrang bata ko pa, eh. And alam mo yon, hindi ko pa talaga alam kung paano yung takbo.

“Hindi ko alam kung anong nangyayari sa industriyang ito. And I’m super thankful sa nangyayari,” dagdag pa ni Albie.

“Kaya sinusubukan kong i-level-up pa yung work ethic ko. Like this week I’m working everyday, doing It’s Showtime and some other stuff on the side.

“Kung dati nung bago ako hindi ko talaga gagawin yung mga ganun kasi parang tinatamad ako, but now, di ba, talagang strike while the iron is hot bago ako malaos ulit,” diin pa niya.

Ginagampanan ni Albie sa “Moonlight Butterfly” ang karakter ni Roy na pinag-aaral at binubuhay ng kanyang girlfriend (Christine) kaya ang sumunod na tanong sa kanya ay kung keri rin ba niya ang ganitong eksena sa tunay na buhay.

“Sa ganu’n ka-extreme, feeling ko hindi ko kaya. Pero I’m just being honest, like sometimes when I go out girls offer to pay for my drinks. ‘You wanna pay for my stuff, go dude. You wanna pay for my food, sure! Okay lang.’

“Pero kung ang ibibigay ay parang pangkabuhayan showcase na sa tingin ko hindi ko kayang tanggapin,” katwiran ng binata.

Sundot na tanong sa kanya, mas type ba niya ang babaeng dominante o agresibo? “Siguro may middle ground yon, eh. Ayoko naman ng super, super dominant, di ba? Ano ka nanay ko, uutus-utusan mo ako lagi? Then ayoko din naman yung parang tuta naman na kahit anong sabihin mo gagawin niya lahat.

“I want a partner na who has her own head on her shoulders and at the same time marunong siyang makinig. This is my favorite term, eh, I don’t really want to be with an independent woman, I want to be with an interdependent woman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kasi relationship yan, eh, kailangan nagmi-meet tayo half way, kailangan may mga compromises,” sey pa ng actor.

Kit, Albie ‘bibinyagan’ si Christine Bermas sa sex-drama spy thriller na ‘Moonlight Butterfly’

Joel Lamangan bumilib kay Kit Thompson: All out siya sa pagiging daring, walang tanong-tanong

Albie nawalan ng milyones dahil kay Andi: So, how can I be okay with them?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending