Sunshine, 3 anak nagpasabog ng kaseksihan sa Bohol; nakipag-bonding din kina Cesar at Diego | Bandera

Sunshine, 3 anak nagpasabog ng kaseksihan sa Bohol; nakipag-bonding din kina Cesar at Diego

Ervin Santiago |December 31,2022
facebook
share this

Sunshine, 3 anak nagpasabog ng kaseksihan sa Bohol; nakipag-bonding din kina Cesar at Diego

Ervin Santiago - December 31, 2022 - 04:19 PM

Sunshine, 3 anak nagpasabog ng kaseksihan sa Bohol; nakipag-bonding din kina Cesar at Diego

Sunshine Cruz, Cesar Montano at Angelina Cruz

NAGPAPAKALIGAYA ngayon sa Bohol ang aktres na si Sunshine Cruz kasama ang tatlo niyang anak na sina Angelina, Cheska at Sam.

Nasa “vacation mode” pa rin ngayon ang pamilya ni Sunshine at sa Bohol nga nila napiling salubungin ang  pagpasok ng Bagong Taon.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Sunshine ang groufie photo nilang mag-iina na kuha sa airport bago ang kanilang flight na may caption na, “And so the adventure begins.”

Kasunod nito, ibinandera rin ng aktres kahapon, December 30, ang kanyang photo suot ang kanyang one-piece swimsuit habang nasa resort na tinutuluyan nila.

“It’s been a while Bohol. Happy to be able to spend time with my girls and celebrate new year here. Maayong Hapon ka ninyong tanan,” ang pahayag pa ng aktres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


Samantala, kitang-kita naman ang kaligayahan ng panganay na anak ni Sunshine na si Angelina sa pagbabakasyon nila sa probinsya ng tatay nilang si Cesar Montano.

Kalakip ang kanyang sexy bikini photo ito ang inilagay niyang caption, “Hoping my phone’s waterproof.”

Hindi rin nagpatalbog ang bunsong anak nina Sunshine at Cesar at nag-post din ng litrato niyang naka-bikini.

And yes, nakasama rin ng mga anak ni Sunshine ang kanilang tatay na si Cesar Montano na nag-share rin ng ilang litrato at video habang naglilibot sa Virgin Island (Pungtud Island) sa Bohol.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sam Cruz (@samcruzm)


“Ang sarap dito guys,” ang maririnig na sabi ni Cesar sa kanyang video clip.

Nauna nang sinabi ni Sunshine na makaka-bonding din nila sa kanilang Bohol trip ang ex-husband na si Cesar pati ang partner nito at si Diego Loyzaga na anak naman ng aktor sa dating karelayson na si Teresa Loyzaga.

Sunshine Cruz ‘cool mom’ sa 3 anak na babae pero istrikto pagdating sa boys at party-party

Diego, Angelina, Sam, Chesca nakipag-bonding kay Cesar Montano, Sunshine Cruz nag-react

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Angelina Cruz na-challenge bilang ‘third wheel’ sa DonBelle loveteam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending