Sunshine Cruz 'cool mom' sa 3 anak na babae pero istrikto pagdating sa boys at party-party | Bandera

Sunshine Cruz ‘cool mom’ sa 3 anak na babae pero istrikto pagdating sa boys at party-party

Ervin Santiago |April 17,2022
facebook
share this

Sunshine Cruz ‘cool mom’ sa 3 anak na babae pero istrikto pagdating sa boys at party-party

Ervin Santiago - April 17, 2022 - 10:25 AM

Sunshine Cruz, Angelina, Sam at Chesca Montano

“COOL mom” kung ilarawan ng kanyang mga anak ang aktres na si Sunshine Cruz pero medyo istrikto rin daw pagdating sa pagpapatupad ng mga “rules” sa kanilang pamilya.

Sa pamamagitan ng isang TikTok video na ibinahagi ni Angelina Cruz, inisa-isa ni Sunshine ang ilang patakaran niya para sa mga anak, kabilang na ang usapin tungkol sa pakikipagrelasyon.

Mapapanood sa video si Angelina na tinatanong ang kanyang mommy kung anu-ano ang mga kundisyon nito bago sila payagang magkakapatid na um-attend ng mga party o kapag sila’y gigimik kasama ang mga kaibigan.

Inamin naman ni Sunshine na nagpapatupad siya ng curfew hours sa tatlong dalagang anak kasabay ng paulit-ulit na paalala na huwag iinom ng marami at never magpapakalasing.

Sa tanong naman kung payag na ba siyang magkaroon ng dyowa ang mga anak nila ni Cesar Montano, okay lang naman daw pero dapat nasa legal age na sila bago makipagrelasyon.

“When you’re 18, puwede na. Pero it doesn’t mean na because you’re 18 you should have a boyfriend na. It still depends,” mariing sey ni Sunshine.

Ang payo naman ng aktres pagdating sa pakikipagkaibigan — quality over quantity, na sinang-ayunan naman ni Angelina. Aniya, choosing friends is better than having many friends.

Pinapayagan din daw ni Sunshine na matulog sa bahay nila ang mga kaibigan ng kanyang “Tres Marias” kapag may ginagawa silang mga projects o gusto lamang magkita-kita at mag-bonding.

“It’s okay. I’d rather choose friends who sleep over here kesa kayo mag-sleep over,” chika ni Sunshine.

Samantala, hindi naman aprubado kay Shine na magpa-piercing o magpabutas sa ibang bahagi ng kanilang katawan sina Angelina, Sam at Chesca para lagyan ng hikaw.

Pero pwede pa raw nilang pag-usapan ang pagpapa-tattoo, “With my consent of course. I need to know first (kung saan at ano ang ipapa-tattoo).”

Sa isang panayam, nabanggit ng aktres na may dalawang bagay kaya solid na solid ang relasyon nilang mag-iina, yan ay ang “respect and open communication.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sunshine Cruz (@sunshinecruz718)


“We should always have open lines of communication and respect for one another, especially since we are all girls. It can get emotional at times. I always tell them that if they have any problems, especially concerning boys – they can come to me,” sey ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natatawa nga raw siya kapag napag-uusapan nila ang tungkol sa mga crush nilang boys, “They would always tell me about their crushes. But they keep changing them, parang flavor of the month! Like whenever they say someone new, I’m like, ‘Who’s this new person now?'”

Sunshine Cruz sa netizen na pumansin ng kanyang ‘sexy outfit’: I don’t think may chart ang attire according to age

Sunshine Kapamilya na; bibida sa ‘Marry Me, Marry You’ kasama ang 2 pang dating Kapuso

Julia sa mga babaeng may natitipuhang lalaki: I don’t mind if a girl makes the first move…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending