Beatrice Gomez humihingi ng tulong para sa mga binaha sa Misamis Occidental, naglunsad ng donation drive
NANANAWAGAN ng tulong si Miss Universe Philippines 2021 na si Beatrice Gomez sa kasagsagan ng pagdiriwang ng holiday season.
‘Yan ay para sa mga residente sa Misamis Occidental na apektado ng matinding pagbaha na dulot ng matinding pag-ulan na sanhi ng tinatawag na “shearline.”
Bukod sa mga evacuees ay marami na rin ang naitalang patay dahil sa baha.
Kaya naman si Bea ay naglunsad na ng donation drive upang mabigyan ng tulong ang mga apekatdo ng ulan.
Sa Instagram ay nanghihingi na siya ng mga donasyon, gaya ng damit, tubig, pagkain at kumot.
Caption pa niya, “Given the current devastation in the province of Misamis Occidental, our goal is to extend help by organizing a donation drive to ensure and provide an immediate response to the victims of flash floods in the areas of Misamis Occidental.”
View this post on Instagram
Hindi ito ang unang beses na tumulong sa mga nasalanta si Bea.
Noong Enero ay nagkaroon ang beauty queen ng relief operations para sa mga naging biktima ng sunog sa Mandaue.
Tumulong din siya noong nanalasa ang Typhoon Odette sa Cebu na kung saan ay pati ang kanyang sariling pamilya ay na-stranded dahil sa matinding bagyo.
Related chika:
Beatrice Gomez nag-dinner with Miss Universe Vietnam 2021: ‘I’m finally reunited with my hype girl’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.