BB Gandanghari tanggap na tanggap ng mga Pinoy: Nagpunta ako ng Binondo, lumakad ako du'n at wala namang nambastos | Bandera

BB Gandanghari tanggap na tanggap ng mga Pinoy: Nagpunta ako ng Binondo, lumakad ako du’n at wala namang nambastos

Ervin Santiago |December 30,2022
facebook
share this

BB Gandanghari tanggap na tanggap ng mga Pinoy: Nagpunta ako ng Binondo, lumakad ako du’n at wala namang nambastos

Ervin Santiago - December 30, 2022 - 08:08 AM

BB Gandanghari tanggap na tanggap ng mga Pinoy: Nagpunta ako ng Binondo, lumakad ako du'n ay wala namang nambastos

BB Gandanghari

IN FAIRNESS, marami raw offers na natatanggap si BB Gandanghari ngayong nakabalik na siya finally sa Pilipinas makalipas ang ilang taong pamamalagi sa Amerika.

Talagang pinagkaguluhan ang kapatid ni Sen. Robin Padilla sa red carpet ng Metro Manila Film Festival 2022 Gabi ng Parangal na ginanap sa New Frontier Theater, Cubao, Quezon City, last December 27.

Feel na feel daw niya ang pag-iinterbyu sa kanya ng ilang members ng entertainment press pati na ng mga vloggers na dumalo sa MMFF 2022 awards night.

Sey ni BB, sulit na sulit ang pag-uwi niya sa Pilipinas dahil bukod nga sa pagiging host ng MMFF 2022 Gabi ng Parangal ay nakasama rin niya last Christmas ang kanyang pamilya.

“I’m very, very excited especially seeing my mom again, my brothers and sisters, and all of you sa ganitong (event).

“Alam n’yo naman, simpleng tao tayo sa Amerika. So, this is like new to me again. So, thank you,” pahayag ni BB.

Feeling thankful and grateful din daw siya sa napakainit na pagtanggap sa kanya sa pagbabalik niya sa bansa, lalo na ng kanyang pamilya.

“Oo! Especially, I think you’ve seen it on my vlog, nagpunta ako ng Binondo. Lumakad ako du’n, walang nambastos, not even once.

“So, yun talaga. Everyone is very welcoming and loving. So, I can’t really ask for more, yung parang nadarama mo talaga,” sey ni BB.

View this post on Instagram

A post shared by BB. Gandanghari (@gandangharibb)


Samantala, hindi pa niya sure kung kailan siya babalik sa Amerika dahil may mga project na ino-offer sa kanya ang Viva Films.

“Merong nine-negotiate. So, hopefully matuloy lahat yun. Meron ding offer na pelikula, hopefully matuloy. But everything is, like, under negotiation.”

“Artista muna tayo. Hindi natin puwedeng pagsabay-sabayin. Actually, ang plano ko talaga is bakasyon lang. So, we’ll see,” chika pa ni BB.

Nakasama ni BB bilang host sa Gabi Ng Parangal ng MMFF 2022  sina Giselle Sanchez at Cindy Miranda.

Vice: Ayoko nang bumalik sa paghihirap, hello! Nagbabad na ako du’n nang bongga!

Bianca ipinagsigawan ang feelings kay Ruru sa mall show: Ang talagang may-ari ng puso ko at ang nag-iisang lalaki sa buhay ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie, BB muli na namang nagsagutan; magkakaayos pa nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending