Bianca ipinagsigawan ang feelings kay Ruru sa mall show: Ang talagang may-ari ng puso ko at ang nag-iisang lalaki sa buhay ko! | Bandera

Bianca ipinagsigawan ang feelings kay Ruru sa mall show: Ang talagang may-ari ng puso ko at ang nag-iisang lalaki sa buhay ko!

Ervin Santiago |September 13,2022
facebook
share this

Bianca ipinagsigawan ang feelings kay Ruru sa mall show: Ang talagang may-ari ng puso ko at ang nag-iisang lalaki sa buhay ko!

Ervin Santiago - September 13, 2022 - 01:37 PM

Bianca Umali at Ruru Madrid

TANGGAP na tanggap naman ng mga fans ang relasyon nina Bianca Umali at Ruru Madrid kahit pa nga hindi sila ang magkatambal sa kani-kanilang projects sa GMA 7.

Nasaksihan namin kung paano magsigawan at magpalakpakan ang mga tao nang magkasamang pumagitna sa stage ang celebrity couple para sa isang mall show.

Yes, first time namin nakita sina Ruru at Bianca together sa bonggang mall show at free concert ng Beautederm Corporation last Sunday, Setyembre 11, sa Ayala Malls Cloverleaf.

In fairness, talagang dumagundong ang Ayala Malls Cloverleaf nang mag-perform na ang dalawa na kabilang nga sa mahigit 70 celebrity endorsers ng kumpanyang pag-aari ni Miss Rhea Anicoche Tan.

Mas lumakas pa ang sigawan ng audience nang ipakilala na ni Bianca si Ruru sa show, “Eto ang talagang may-ari ng puso ko, palaging sumusundo sa akin, ang nag-iisang lalaki sa buhay ko! Let us all welcome Lolong, Ruru Madrid!”

View this post on Instagram

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


At hindi lang ang mga fans ang naghiyawan nang makita nila ang Kapuso couple kundi maging ang ang CEO at presidente ng Beautederm na si Miss Rei.

Sabi naman ni Bianca tungkol sa estado ng relasyon nila ni Ruru, “We are very open sa mga tao na makita kung paano talaga kami. Wala kaming inaamin, at wala rin kaming tinatago. Basta happy kami.”

Hirit naman ng Kapuso actor nang matanong about Bianca, “Wala, ganu’n pa rin po. Siya rin naman po ang nag-iisang babae sa puso ko e.”

Nakasama rin nina Bianca at Ruru sa show ng Beautederm ang iba pang ambassador ng kumpanya ni Miss Rei tulad nina Zeinab Harake, Jelai Andres, Buboy Villar, JC Santos, Boobay at DJ Chacha.

Nagkaroon din ng meet-and-greet with the fans ang mga nabanggit na celebrities pagkatapos ng event na sinundan naman ng ribbon-cutting ceremony para sa bagong branch ng Beautederm sa nasabing mall.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)

Alden kay Jasmine: Sabi ko, ang sarap namang makasama nito bilang partner…dream come true

Anne Curtis muling nakipagkulitan sa ‘It’s Showtime’ family, balik noontime show na kaya?

Sharon nagbago ang isip sa pagre-retire sa showbiz: OK Lord, I guess you don’t want me to stop pa

Jinkee kay Pacman: Win or lose you are forever the champion of our hearts, I’m proud to be your wife!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending