Ogie, BB muli na namang nagsagutan; magkakaayos pa nga ba? | Bandera

Ogie, BB muli na namang nagsagutan; magkakaayos pa nga ba?

Therese Arceo |November 10,2021
facebook
share this

Ogie, BB muli na namang nagsagutan; magkakaayos pa nga ba?

Therese Arceo - November 10, 2021 - 08:26 PM

Ogie, BB muli na namang nagsagutan; magkakaayos pa nga ba?

MULI na namang nagsagupaan sina BB Gandanghari at Ogie Diaz sa social media.

Sumagot kasing muli si BB Gandanghari sa mga pahayag ni Ogie Diaz sa kanyang showbiz update vlog.

Sa nasabing vlog ni Ogie ay napatunayan nga ng talent manager na talaga namang titirahin siya ni BB Gandanghari na siyang nangyari habang ito ay naka-live sa Instagram.

Nabanggit pa nga nito na wala raw kredibilidad si Ogie bagay na pinabulaanan ng talent manager dahil pinatunayan lang daw ni BB ang kanyang kredibilidad nang ito ay nag-react sa kanya sa una niyang pahayag nang maging topic nila nina Mama Loi ang pamangkin nitong si Kylie Padilla at dating asawang si Aljur Abrenica.

Matapos nga ng IG live sahabang nagda-drive ay muli na naman umariba si BB at sinabihang “bobo”, “demonyo”, at “nagpapanggap na matalino” si Ogie.

Tila nilaro na lamang ni Ogie Diaz ang mga patutsada sa kanya ni BB. Ginawa na lamang nilang katatawanan ang mga pahayag nito at hindi na masyadong sineryoso.

May parte pa nga sa vlog kung saan ginaya ni Ogie ang itsura ni BB noong mag-live ito habang nagda-drive.

Gumamit rin ito ng salamin sa vlog na tinanggal rin niya sabay pakita ng video clip ni BB na nagsasabing bobo siya at gumagamit lang ng salamin para maging matalino.

May mga pasimpleng joke rin ang mga ito na pasimpleng pambabara sa mga statement ni BB.

“‘Yung iba ay talagang natatawa na lang sa awayan namin ni BB, hindi siniseryoso ng iba. Dapat lang naman.

“Hindi sa hindi namin siniseryoso si BB, inaaliw o naaaliw na lang kami kay BB. Infairness BB, naaaliw mo kami. Wa echos ‘yan,” saad ni Ogie.

Sa naunang vlog rin ni Ogie ay sinabi nitong hindi ito galit kay BB Gandanghari. Inamin rin nito na okay lang sa kanya na makipag-ayos kahit siya pa ang mag-reach out.

“Kung gusto niya, magpahiwatig lang siya. To be honest, pina-follow ko siya sa IG.”

Dagdag pa niya, nakikita rin naman niya ang sarili na ka-chikahan si BB.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko sinasara ‘yung pinto. Pero ‘pag siya nagsara ng pinto, choice nya ‘yun.”

Related Chika:
Bwelta ni Ogie Diaz kay BB Gandanghari: Ini-expect ko naman na titirahin niya ako
BB Gandanghari pumalag kay Ogie: You have no credibility to me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending