BB Gandanghari pumalag kay Ogie: You have no credibility to me | Bandera

BB Gandanghari pumalag kay Ogie: You have no credibility to me

Therese Arceo |November 04,2021
facebook
share this

BB Gandanghari pumalag kay Ogie: You have no credibility to me

Therese Arceo - November 04, 2021 - 01:42 PM

BB Gandanghari pumalag kay Ogie: You have no credibility to me

PUMALAG si BB Gandanghari sa mga ibinatong kritisismo sa kanya ng talent manager na si Ogie Diaz sa isa sa mga vlogs nito sa YouTube.

Ito ay patungkol sa komento ni BB sa kanyang pamangkin na si Kylie at sa estranged husband nitong si Aljur Abrenica na kamakailan lang ay mainit na topic sa social media.

Nagsimula ang sigalot ng dalawa nang mag-react si BB patungkol sa kinakaharap na isyu ng pamangkin sa kanyang ng Instagram live noong Oktubre 21.

May netizen kasi na nagtanong kung ano ang masasabi niya sa mga akusasyon ni Aljur laban kay Kylie na naging dahilan raw ng pagkasira ng kanilang pamilya.

“What I can advise to these two, being younger that you are, try to keep your dirty linen in the washroom. I’m sure you know what I mean,” comment ni BB.

Aniya, wag na raw sanang isapubliko ng dalawa ang away dahil apektado ang kanilang mga anak.

Ang pahayag ni BB ay naging parte naman ng talakayan nina Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog noong Oktubre 27 kasama sina Mama Loi at Tita Jegs.

Nang ma-bring up ang naging pahayag ni BB ukol sa isyu ng pamangkin ay tila nabigla si Ogie.

“Siya talaga nagsabi noon? Dapat in-advise na rin niya ‘yun sa sarili niya, ‘di ba? Paano ka naman papakinggan?” sey ni Ogie.

“Siguro kung maririnig ito ng iba, si BB sinasabihan ang kanyang pamangkin at si Aljur, itago na ang dirty linen, huwag ipagpag [sa publiko]. Sino ka, BB, para magsabi ng ganyan, kung ikaw nambubuko?” dagdag pa ni Ogie.

Ang tinutukoy siguro ni Ogie ay ang pagbubunyag ni BB kung sino ang nakarelasyon niyang sikat na aktor habang kilala pa siya bilang si Rustom Padilla.

Nabanggit rin ni Ogie na wala siyang pakialam sakaling mag-react si BB sa kanyang mga pahayag dahil ever since naman daw ay wala namang sinabing maganda si BB patungkol sa kanya.

At matapos nga ang ilang araw ay nagsalita na rin si BB sa naging pahayag ni Ogie laban sa kanya.

“Ikaw, Ogie Alcasid, ha, wag mo akong pinipikon!” natatawang biro ni BB pero obvious naman na si Ogie Diaz ang pinatutungkulan nito sa kanyang IG Live nitong Miyerkules.

Binanggit rin nito pagiging isa niya sa mga topics sa YouTube vlogs nito at walang ibang ginawa kundi manira ng mga artista. Aniya, puro set up lang naman daw si Ogie at scripted ang mga vlogs.

“Aminin niyo iyan at kung hindi puro paninira lang sa artista ang sinasabi-kung sino man ang buntis, hindi buntis, di ba?” saad ni BB.

Dismayado rin si BB na kumpare ni Ogie ang kanyang kapatid na si Robin.

“Di ba, kung kumpare ka ni Robin, hindi ka ba matutuwa doon sa in-advice ko? Talaga, Ogie? Meron ka pa ring masama na nakita doon sa in-advice ko? E, talagang negative kang tao…” dagdag pa ni BB Gandanghari.

Para kay BB, may karapatan siyang mag-react dahil bukod sa kamag-anak niya si Kylie ay nakaranas ng dalawang major relationships noon sa dating asawa na si Carmina Villaroel at isang sikat na aktor.

Matatandaang ikinasal sila ni Carmina noong 1994 ngunit naghiwalay rin.

Kahit na ganoon ang nangyari sa kanilang dalawa at kahit hindi raw sila magkaibigan ay nananatili naman daw na mataas ang respeto nila sa isa’t isa.

Muli namang binalikan ni BB si Ogie.

“I’m, sorry, Ogie, clearly you don’t know what I’m talking about. Honestly, you have no credibility to me, zero. Zero credibility.

And, in fact, yung reaction mo na, ‘Ah, talaga? Talagang si BB nagbigay ng payo?’ Actually, kuha ko iyon.

“Ganoon din kasi reaction ko kapag pinag-e-endorse mo ng beauty product si Vice Ganda. Na talagang, ‘Ah, talaga? Si Vice nag-e-endorse? Ganoon din talaga ang dating sa akin noon. So, I understand yung joke. Pero… I think you’re barking at the wrong tree,” mainit na sabi ni BB.

Nadamay pa ang Unkabogable Star na si Vice Ganda na dating alaga ni Ogie.

Sey pa ni BB, talagang magre-react siya dahil di siya makakapayag na sirain ni Ogie ang credibility na mayroon siya.

“Kung ikaw, bilang kumpadre sana ni Robin, dapat sana, kung ikaw ay level-headed person, you should’ve… sabihin mo, ‘Tama this time ang auntie niyo, makinig kayo.’ Pero hindi. Gusto mo kasi ng balita. Ayan ka na naman. Wala ka nang sinanto. Kaloka ‘to.

“Makinig ka. You’ll get it from me. Clearly, you don’t know what you’re talking about. Don’t ridicule me because babalik ko sa iyo iyan, ‘no.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ganyan ka na ka-negative. You think yung pinagdadaanan ng pamangkin ko, e, gagawin kong biro? Excuse me,” mahabang litanya ni BB kay Ogie.

Related Chika:
Payo ni BB Gandanghari kina Aljur at Kylie: Keep your dirty linens in the washroom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending