MMFF 2022 Review: ‘Mamasapano: Now It Can Be Told’ tagos sa puso ang mga eksena, 'dasurved' maging 2nd Best Picture | Bandera

MMFF 2022 Review: ‘Mamasapano: Now It Can Be Told’ tagos sa puso ang mga eksena, ‘dasurved’ maging 2nd Best Picture

Pauline del Rosario - December 29, 2022 - 04:46 PM

MMFF 2022 Review: ‘Mamasapano: Now It Can Be Told’ tagos sa puso ang mga eksena, 'dasurved' maging 2nd Best Picture

HEARTBREAKING, pero isang kwento na talagang maipagmamalaki.

Ganyan namin mailalarawan ang historical action film na “Mamasapano: Now It Can Be Told,” ang isa sa Metro Manila Film Festival entry ngayong 2022.

Ang pelikula ay base sa mga totoong pangyayari sa bayan ng Mamasapano sa Maguindanao noong 2015 na kung saan ay nagkaroon ng madugong engkwentro ang Special Action Force (SAF) troopers laban sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Sa panahon na iyon ay isinagawa ng SAF ang tinatawag na “Oplan Exodus” at tagumpay nilang napatay ang bomb expert at Malaysian terrorist na si Zulkifli Abdhir alyas “Marwan.”

Bagamat naging “mission accomplished” ang kanilang pakay, 44 na magigiting na SAF members naman ang walang habas na pinatay ng mga terorista.

Ang mga pangyayari na ‘yan ay naipakita mismo nang maayos sa nasabing pelikula.

Talaga namang nakakabilib ang mga bumubuo ng pelikula, lalo na kay direk Lester Dimaranan at sa manunulat nito na si Eric Ramos dahil maayos itong na-execute sa “Mamasapano: Now It Can Be Told.”

Kahanga-hanga rin ang mga gumanap sa pelikula na sina Edu Manzano, Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, Alan Paule, Rey Abellana, Gerald Santos, Rez Cortez, Juan Rodrigo, Jervic Cajarop, at Claudine Barretto.

Binigyan nila ng hustisya ang bawat karakter sa pelikula na kung saan ay ipinakita mismo nila sa maraming manonood ang ginawang kabayanihan, katapangan at pagmamahal ng mga SAF troopers para sa ating bansa.

Kahit punong-puno ng aksyon ang mga eksena, talagang tumatak pa rin sa mga manonood ang pagiging tunay na mga bayani ng SAF na kahit kami at ang mga nakatabi namin sa sinehan ay naiyak sa karumaldumal na pangyayari sa Mamasapano na ipinakita sa pelikula.

Deserved ng “Mamasapano: Now It Can Be Told” ang mga nahakot na parangal mula sa MMFF 2022, kagaya ng Second Best Picture, Best Screenplay, Fernando Poe Jr. Memorial Award, Best Original Theme Song (“Ang Aking Mahal”), at Special Jury Prize.

Masaya kami na nagkaroon ng ganitong klaseng pelikula dahil ipinapakita nito ang isang napakagandang halimbawa ng kabayanihan ng isang Pilipino.

Isa rin ito sa mga mahahalagang kasaysayan ng Pilipinas na dapat ay hindi mabura sa isipan ng ating mga kababayan at maipasa sa mga susunod na henerasyon ng mga Pinoy.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related chika:

Agot, Nikki naglabas ng saloobin sa pang-iisnab ng MMFF 2022 jurors sa ‘Family Matters’, pero feeling winner pa rin

‘Family Matters’ nina Liza Lorena at Noel Trinidad hindi nag-matter sa mga juror ng MMFF 2022, paki-explain po…’

Bakit nga ba nominado si Ivana sa pagka-best actress sa MMFF 2022, pero sina Liza, Nikki, Mylene at Agot naetsapwera?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending