Ate Vi sa 6 na dekada sa showbiz at sa 3 hinawakang posisyon sa gobyerno: Hindi ko po kayo ipinahiya! | Bandera

Ate Vi sa 6 na dekada sa showbiz at sa 3 hinawakang posisyon sa gobyerno: Hindi ko po kayo ipinahiya!

Reggee Bonoan - December 28, 2022 - 07:29 PM

Ate Vi sa 6 na dekada sa showbiz at sa 3 hinawakang posisyon sa gobyerno: Hindi ko po kayo ipinahiya!

Vilma Santos at Rez Cortez

ANG Representative ng 4th District ng Pangasinan na si Christopher “Toff” Vera Perez de Venecia ang nagpakilala kay dating Batangas 6th District Congresswoman Vilma Santos-Recto para tanggapin ang Marichu Vera-Perez Maceda Memorial Award sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2022.

Ang nag-iisang Star for All Seasons ang napili ng pamilya de Venecia para ipagkaloob ang nasabing award para sa kontribusyon nito sa movie industry.

Binigyan ng standing ovation with matching hiyawan si Ate Vi nang tawagin ang pangalan niya para tanggapin ang tropeo mula sa aktor at Mowelfund executive na si Rez Cortez kasama si Cong. Christopher sa entablado.

“Please sit down, thank you, thank you. Thank you for the kind words, magandang gabi po sa inyong lahat,” bungad ni Ate Vi.

“Sa bumubuo po ng Marichu Vera Perez-Maceda Memorial Award, ang aking pong taos-pusong pasasalamat sa pagkilalang ibinigay sa akin ngayong gabi.

“Mahalaga po sa akin ang pangalang Marichu Maceda kasi siya po ay para ko nang pangalawang ina.

“Sa panahon po ng buhay ko na kailangang-kailangan ko ng gabay ay nandidiyan po si Manay Ichu, si Marichu Maceda.

“Sa taong ito, anim na dekada na po akong nasa industriya (sabay tawa) ng pelikulang Pilipino (palakpakan ang lahat ng nasa New Frontier Theater).

“Sixty years. Ha-hahaha! At hindi po naging madali medyo mahirap din po pero nakayanan din po dahil sa pagmamahal ng mga tao sa akin (at) higit sa lahat ang akin pong mga Vilmanians. Thank you, thank you very much.

“And again, never in my wildest dream na ako po ay magiging isang politiko! Never in my wildest dreams na ako po ay isang magiging mayor, governor at congresswoman but I guess it was meant.

“It was meant to be, gusto ng Panginoong Diyos, so, ginawa ko po ang lahat ng aking magagawa para ibalik ang serbisyong ito sa mga taong nagtiwala po sa akin,” mahabang sabi ni ex-congw Vilma.

At dahil malinis ang kanyang pangalan sa tatlong puwestong ginampanan niya sa pagseserbisyo sa bayan ay buong ningning niya itong ipinagmalaki.

“Hindi ko po kayo ipinahiya! Kaya sa lahat po ng nagmamahal, sa lahat po ng nagtiwala at sa pamilya po na bumubuo ng Metro Manila Film Festival, ang taos puso ko pong pasasalamat sa inyo!

“Sana next year makagawa ako ng pelikula at masali naman dito sa MMFF.

“To all our nominees alam ko na po ang nararamdaman ninyong kaba, dinaanan ko rin po ‘yan. Pero to all of you to be nominated you’re all winners! So, my congratulations!

“Mabuhay po ang Metro Manila Film Festival at mabuhay po ang pelikulang Pilipino!  I love you manay Ichu,” masayang sabi ng nag-iisang Star for All Seasons.

Vilma 60 years na sa showbiz: Imortal na ang Dyesebel at Darna na everytime pag-uusapan ‘yun, mababanggit ako…

Vilma Santos nanawagan sa mga fans na suportahan si Ate Guy: There is a time for everything

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vilma sa relasyon nina Edu at Cherry Pie: I’m happy, I wish them the best

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending