Robin Padilla umaming tumaba mula nang maging senador; magaling magluto ng kare-kare | Bandera

Robin Padilla umaming tumaba mula nang maging senador; magaling magluto ng kare-kare

Ervin Santiago |December 28,2022
facebook
share this

Robin Padilla umaming tumaba mula nang maging senador; magaling magluto ng kare-kare

Ervin Santiago - December 28, 2022 - 08:32 AM

Robin Padilla umaming tumaba mula nang maging senador; magaling magluto ng kare-kare

Robin Padilla

AMINADO si Sen. Robin Padilla na medyo tumaba siya mula nang maging senador halos anim na buwan na ngayon ang nakararaan.

Hirit ng actor-public servant, nadagdagan daw ng 10 pounds ang kanyang timbang at ramdam na ramdam na raw niya ngayon ang bigat ng katawan.

Sabi ng mister ni Mariel Rodriguez, palagi nga raw siyang sinasabihan ng doktor nila sa Senado na huwag na munang tumira ng kanin sa lahat ng meals.

Mula nga noong mag-opisina siya sa Senado ay hindi na siya nakakapag-workout dahil sa dami ng kanyang trabaho bilang bilang mambabatas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla)


Ito raw ang dahilan kung bakit hangga’t maaari ay hindi siya gumagamit ng elevator pagpunta sa kanyang opisina sa Senate building. Aniya, parang exercise na rin daw niya ito habang busy sa work.

At knows n’yo ba na mahilig din palang magluto si Sen. Robin? Yes, yes, mga ka-Marites kaya naman talagang kinarir din ni Mariel ang pag-aaral ng iba’t ibang putahe.

“Hindi puwedeng hindi siya magluto. Hahanapin ko yun,” ang pahayag ni Robin sa nakaraang episode ng “Korina Interviews” sa NET25.

Isa raw sa mga specialty ni Robin ay ang kare-kare, “Ang Padilla talaga, ang trademark, magaling magluto ang mga lalaki. Kare-kare ang specialty namin.”

Inusisa naman siya ni Korina kung mani ba talaga ang gamit nila sa pagluluto ng special kare-kare, “Mani talaga. Kapag ginamit ang peanut butter, estafa yun! Dapat mani na dinidikdik talaga yun.

“Nu’ng panahon ng tatay ko, nagluluto yan, kami ang nagdidikdik niyan. Kaya lang, nauso yung gina-grind na lang. Nung mga bata pa kami, nagdidikdik talaga kami,” pahayag pa ni Robin.

Ibinuking din niya na talagang pinag-aaralan din ni Mariel ang  kare-kare ng namayapang ama, “Hanggang ngayon, kinokopya ni Mariel yung luto ng tatay kong kare-kare.

“Iyon ang secret para mapa-behave mo ang Padilla, kailangan marunong kang magluto ng kare-kare ni Papa.

“Iyon ang panglambing mo. Kapag nagluto ka ng kare-kare, Wow! Iyun ang reaksyon ng mga Padillang lalaki. Wow!” pahayag pa ng senador.

Karen Davila sa pagtigil ni Robin Padilla sa pag-aartista: Good move, senator!

Robin handa nang makipagdebate sa Senado sa wikang Filipino: Hindi naman Amerikano ang mga kaharap ko para mag-English ako

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robin Padilla sumailalim sa heart procedure, Mariel nagpasalamat sa mga nagdasal para sa asawa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending