Andrew Schimmer: Don’t waste a single day without you telling your love ones how much you love them
HANGGANG ngayon ay durog na durog pa rin ang puso ng aktor na si Andrew Schimmer sa pagpanaw ng kanyang partner na si Jho Rovero.
Nitong Linggo, December 25 ay muling nag-post sa Facebook ang aktor na nangungulila sa asawa ngayong Pasko.
“I miss you my Love… Hindi ko na alam kung pano ko to dadalhin sa puso ko. you are my Life. plsssss. if this is a dream, wake me up! I’m dying. uwi ka na po mami please. I will wait. I will always wait,” saad ni Andrew.
“Few days ago, my HEART left my body when the love of my life left Her body,” pagpapatuloy niya.
Nagbigay rin siya ng payo sa publiko na huwag mag-aaksaya ng oras at araw-araw dapat iparamdam ang pagmamahal sa mga taong mahahalaga sa buhay.
Sey ni Andrew, “ADVISE: don’t waste a single day without you telling your love ones how much you love them, for we do not know what can happen to us when our time comes.
“Don’t waste your time on arguments or silly small talks, if your in love with someone, make sure that person knows how much you love them, make them feel every single bit of your heart.”
View this post on Instagram
Dagdag pa ni Andrew, “Don’t hesitate to hug somebody, for we do not know when we can hug that person again.
“Don’t hesitate to hug somebody, for we do not know when we can hug that person again.”
Ani Andrew, ang pinakamasakit na bagay na mararamdaman ng isang tao ay pagsisisi.
“REGRET is the most painful thing that you can experience in this life. So please don’t let EGO dictate the will of your HEART.
“Love without hesitation and without reason… be silly, be ?n loved, be inspired of this love… do everything and anything that will make you and your love ones happy,” lahad pa ni Andrew.
Pag-amin pa niya, handa niyang isuko ang lahat makita, mayakap, at makasama lang muli ang kanyang yumaong asawa.
Advice pa ni Andrew, “Kung ang mahal mo sa buhay ay katabi mo pa ngayon kapatid, yakapin mo sila ng mahigpit, Hindi mo kaylangan ng dahilan para gawin ito, sapat ng dahilan ang mahal mo sha. iparamdam mo tol sa kanya na sha ang buhay at mundo mo, na sha ang Reyna ng kaharian ng puso mo, na para sayo sha ang pinaka magaling, pinaka maganda at pinaka importante sa lahat.”
(Julius IG)
Dagdag pa ni Andrew, “Gawin mo na ang lahat para sa kanya HANGGAT KAYA AT PWEDE NYA iTONG MARAMDAMAN. Give everything and anything for love, and you will never regret it.”
Matatandaang nitong December 20 nga nang tuluyan nang pumanaw si Jho Rovero matapos ang dalawang taong pakikipaglaban nito sa sakit.
Related Chika:
Julius Babao nakiramay sa pagpanaw ni Jho Rovero, kinuhang ninong ni Andrew sa kasal
Andrew Schimmer nagdadalamhati sa pagpanaw ng asawa: Remember your promise, together forever
Bunso ni Andrew Schimmer nag-birthday sa burol ng ina: I really want you to be proud of me…
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.