Julius Babao nakiramay sa pagpanaw ni Jho Rovero, kinuhang ninong ni Andrew sa kasal | Bandera

Julius Babao nakiramay sa pagpanaw ni Jho Rovero, kinuhang ninong ni Andrew sa kasal

Therese Arceo |December 24,2022
facebook
share this

Julius Babao nakiramay sa pagpanaw ni Jho Rovero, kinuhang ninong ni Andrew sa kasal

Therese Arceo - December 24, 2022 - 02:00 PM

Julius Babao nakiramay sa pagpanaw ni Jho Rovero, kinuhang ninong ni Andrew sa kasal
ISA ang broadcaster na si Julius Babao sa mga kilalang personalidad na nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng fiancé ni Andrew Schimmer na si Jhoromy Rovero.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya ang mensahe para sa aktor na naghihinagpis sa pagpanaw ng ina ng kanyang mga anak.

“Kami po ay nakikiramay kay Andrew Schimmer at sa kanyang mga anak at sa pamilya Rovero sa pagpanaw ni Jorhomy,” saad ni Julius.

Pagpapatuloy pa niya, “Grabe ang mga pagsubok na pinagdaanan ni Andrew para masigurong mabubuhay ang kanyang asawa subalit ipinagkait pa din ito sa kanya kung kailan papalapit na ang pasko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julius Babao (@juliusbabao)

Aniya, hindi niya kayang maipaliwanag ang sakit na kanyang nararamdaman sa tuluyang pagpanaw ni Jho.

Paglalahad ni Julius, “Ang alam ko lang si Andrew ay isang mabuting halimbawa ng asawa, isang matapang na nilalang na hindi susuko sa ano mang pagsubok sa buhay.”

Kwento pa niya, noong nakaraang linggo lang nang mag-usap sila ng aktor dahil nais daw nitong kuning silang mag-asawa na maging isa sa mga ninong at ninang sa kasal nila ni Jho.

Ibinahagi pa nga ni Julius ang screenshot ng message kung saan kita ang wedding rings na inihanda ng aktor para sa kanyang partner.

“Ako ay nalulungkot dahil hindi na ito nangyari. Gayunman, tinatanggap pa din naming maging ninong ng kanilang abot langit na pag-iibigan hindi man ito nauwi sa simbahan.

“Ang mahalaga sa mata ng Diyos at ng tao, wagas ang pagmamahalan nilang dalawa. Isang kwento ng pag-ibig na pag-uusapan sa mga daraan pang mga panahon,” sey pa ni Julius.

Matatandaang nitong Martes, December 20 nang pumanaw na ang asawa ni Andrew na si Jho matapos ang dalawang taong pagkaka-confine nito sa ospital.

Related Chika:
Andrew Schimmer may bagong update sa lagay ng asawa, nag-sorry sa mga taong naiirita sa kanya

Julius Babao nagpaalam na sa ABS-CBN, papalitan daw si Raffy Tulfo sa news program ng TV5

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Julius Babao inalok ding sumabak sa politika: It has crossed my mind pero hindi ko talaga sineryoso

Andrew Schimmer handa nang pakasalan sa simbahan si Jho Rovero, hindi na hihintayin ang ‘tamang panahon’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending