Chito Miranda na-experience ang 'worst nightmare' bilang bokalista, super thankful sa crowd | Bandera

Chito Miranda na-experience ang ‘worst nightmare’ bilang bokalista, super thankful sa crowd

Therese Arceo - December 24, 2022 - 12:18 PM

Chito Miranda na-experience ang 'worst nightmare' bilang bokalista, super thankful sa crowd
IBINAHAGI ng frontman ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda ang “worst nightmare” na naranasan niya kamakailan.

Ibinahagi nga niya sa kanyang Instagram ang naging kwento ng kanyang “worst” yet “best” thing para sa Parokya ni Edgar.

Dahil sa holiday season at unti-unting pagbabalik ng mga events ay sunud-sunod ang mga naging gigs ng banda nila Chito ngayong Disyembre.

Akala nga niya ay makakapagpahinga na siya matapos ang naging gig noong December 19 dahil cancelled na ang event nila para sa December 21.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)

“Huling hirit. Last gig ng 2022. Tonight’s gig was definitely my worst for this year…but also one of the best for Parokya.

“Tuluy-tuloy kasi ang gigs ng Parokya buong December, and dapat di na daw tuloy ‘tong gig na ‘to…so akala ko last gig na namin nung 19 (Monday) at nag-sked na ko ng bakasyon with my kids ng Tuesday (20-21),” pagbabahagi ni Chito.

Huli na nga nang malaman niya na tuloy pala ang gig.

“Ayoko naman i-cancel yung plans ko with my family…so ayun: nag-Pico kami at naligo kami sa beach habang umu-ulan at nag-enjoy naman kami ng todo hehe,” kwento ni Chito.

Sulit naman daw ang kanilang pagbabakasuon dahil talagang nag-enjoy ang mga bata sa pagtatampisaw sa beach.

Pero dahil may gig sila ng December 21 ay mula Batangas, dumiretso si Chito ng EDSA Shangrila at sa hotel room na lamang niya nagpahinga.

Nangyari na nga sa kanya ang isa sa mga pinakamahirap na mangyari sa isang bokalista, ang mawalan ng boses.

“Todo tubig at tulog. Wala talaga…sama talaga ng boses ko,” pagpapatuloy pa ni Chito.

Labis nga ang pasasalamat niya sa naging crowd nila dahil sa kabila ng nangyari sa kanyang boses ay wala itong mga paki at nakisabay pa sa pagkanta nila sa buong set.

“Ayun…ang ending, napadami pa kami ng kanta at sobrang enjoy yung gabi. I was struggling buong set at nahihiya talaga ako kasi di ko mabigay yung best ko…pero ni once never pina-feel ng crowd na kulang yung binibigay namin bilang banda. Sobrang saya talaga. Maraming, maraming salamat po,” sey pa ni Chito.

Related Chika:
Chito inatake ng matinding kaba sa Dubai concert: May instances pa na muntik na akong mahimatay…

Chito may pa-tribute para sa 28 years ng Parokya ni Edgar: Kahit wala pa kaming kinikita, sobrang saya talaga namin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chito Miranda kinontra ang balitang ‘patay’ na ang OPM, naglabas pa ng ‘resibo’

Chito puring-puri si Gloc-9: Na-miss ko ‘tong taong ‘to, napakabait at iba talaga kaya pinagpala

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending