Chito inatake ng matinding kaba sa Dubai concert: May instances pa na muntik na akong mahimatay... | Bandera

Chito inatake ng matinding kaba sa Dubai concert: May instances pa na muntik na akong mahimatay…

Ervin Santiago |March 21,2022
facebook
share this

Chito inatake ng matinding kaba sa Dubai concert: May instances pa na muntik na akong mahimatay…

Ervin Santiago - March 21, 2022 - 07:32 AM

Parokya ni Edgar nag-concert sa Dubai

Parokya ni Edgar

AMINADO ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda na inatake siya ng matinding nerbiyos nang mag-perform muli nang live sa Expo 2020 Dubai para sa isang “epic night of music.”

Naganap ang concert ng iconic OPM band last March 18 na dinumog ng napakaraming Filipino pati na ng ibang lahi. Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ng grupo ni Chito sa napakainit na pagtanggap sa kanila sa Dubai.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ng mister ni Neri Miranda ang isa nilang litrato na kuha habang nagpe-perform sila kung saan makikita ang napakakapal ng taong nanonood sa kanila.

Aniya sa caption, “Salamat, Dubai!

“We struggled the whole set…we were rusty, and unsure, and I had the worst case of stomach cramps the entire time dahil sa sobrang kaba. may mga instances pa kanina na muntik na akong mahimatay.

“Pero di nyo kami pinabayaan. inalalayan nyo kami mula simula hanggang dulo,” simulang mensahe ni Chito sa madlang pipol.

Aniya pa, “Kahit panay sabit a(t) sablay, niyakap nyo kami ng todo. Tunay yung pagmamahal ninyo kasi kahit hindi kami ‘perfect’, tanggap nyo kami ng buong-buo.

“Mahal na mahal din namin kayo!” dagdag pang pahayag ng OPM artist.

Sa isa pa niyang IG post bago sila mag-perform sa Expo 2020 Dubai, inihayag ng singer-songwriter ang kanyang nararamdaman para sa naiwang pamilya sa Pilipinas.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Sobrang nami miss ko pamilya ko. I feel so isolated kasi mag-isa lang ako sa room (we were all given 1 room each for safety), tapos ang alien pa ng cityscape pagsilip sa bintana.

“I could only imagine kung gaano kahirap para sa isang tatay tulad ko (or nanay) na kelangan mag-work at mag-stay ng matagal sa ibang bansa na malayo sa pamilya.

“Grabe yung sakripisyo ninyo. Sana, kahit paano, makatulong kami bukas kapag nagkantahan na tayo.

“Mabuti nalang din masarap yung breakfast buffet nila dito sa hotel…medyo nahimasmasan yung lungkot ko hehe,” ang birong chika pa ni Chito.

Ayon pa sa bokalista ng Parokya ni Edgar, nagpapasalamat siya sa Diyos dahil nabigyan uli sila ng chance na makapag-concert sa ibang bansa para mapasaya kahit paano ang mga kababayan nating OFW.
Nagbahagi si Chito ng litrato ng kanyang banda habang patungo sa Dubai na may caption na, “Fieldtrip with Friends.”

“Yan exactly yung feeling ko tuwing may biyahe kami ng Parokya. Para kaming gradeschool students na pupunta sa planta ng ice cream at Manila Zoo, tapos si Dindin yung mayaman mong kaklase na masarap katabi kasi palaging madaming snacks.

“Ang weird kasi parang hindi 2 years yung lumipas…feeling namin, last week lang yung last tour. Sana ganun din ako sa lyrics haha!

“Dibale, dala ko naman yung trusty EheadsParokya Songhits ko…dadalin ko sa gig. Kantahin natin lahat ng pwede nating kantahin.

“Bawiin natin yung 2 years. Kitakits, Dubai,” sey pa ni Chito.

https://bandera.inquirer.net/308324/gigi-de-lana-ninakawan-na-nga-ng-cellphone-sa-dubai-pinag-isipan-pa-ng-masama

https://bandera.inquirer.net/306212/moira-dela-torre-bentang-benta-sa-dubai-tinawag-na-phenomenal-queen-ng-fans

https://bandera.inquirer.net/285262/sa-5-araw-namin-sa-dubai-wala-kaming-pera-nagpapalibre-lang-kami-kay-john-lloyd-ng-meals

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending