Zeinab Harake nagsabi ng 'yabyuuuu always' kay Wilbert Ross, Xian Gaza selos na selos? | Bandera

Zeinab Harake nagsabi ng ‘yabyuuuu always’ kay Wilbert Ross, Xian Gaza selos na selos?

Reggee Bonoan |December 20,2022
facebook
share this

Zeinab Harake nagsabi ng ‘yabyuuuu always’ kay Wilbert Ross, Xian Gaza selos na selos?

Reggee Bonoan - December 20, 2022 - 03:30 PM

Zeinab Harake nagsabi ng 'yabyuuuu always' kay Wilbert Ross, Xian Gaza selos na selos?

SINA Zeinab Harake at Wilbert Ross na nga ba? Ang ganda kasi ng kuha nang dalawa na pinost ng una sa kanyang Facebook account kagabi na umabot sa 7,100 shares, 5,400 comments at 451,000 likes and heart.

Ang caption ni Zeinab, “yabyuuuu always wilby (emoji heart).”

Lahat ng nabasa naming komento mula sa 12M followers ni Zeinab ay botong-boto sa dalawa at sana sila na lang ang magkatuluyan.

Say ni @Parvin, “You look amazing.”

Galing kay @Sitti Haifa C. Cordova, “#Wilzeb (emojis five red hearts) forever.”

Mula kay @Gloryfe Rodriguez Olpos, “#WILZEB I Love You Two.”

Sabi rin ni @Chantal Thalia Anne Quiambao, “I love u both..dpat kyo nlang in real life.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Ross (@itswilbertross)

Hindi na namin inisa-isa dahil iisa naman ang laman ng mga komento na labis naman naming ikinatataka na tila naghihimutok naman ang lalaking Marites na si Xian Gaza.

Isang oras kasi pagkatapos ng post ni Zeinab with Wilbert na may ‘yabyuu” ay nagpost din si Xian ng, “nagseselos ako tangina makatulog na nga.”

Sinundan pa sa comment section niya ng, “parang gusto kong magwala. Nakakapanginig ng laman.

Sabi naman ng kaibigan nitong si @Ace Alemania, “okay lang yan magkamukha naman kayo! Hahah.”

Pero mainit talaga ang ulo ni Xian dahil sinagot niya ng, “huwag ngayon at baka hindi kita matantsa.”

Bale ba ilang araw bago pinost ni Zeinab ang larawan nila ni Wilbert ay ang saya-saya pa ni Xian sa pinost niyang larawan nilang dalawa.

“Inupload ko ang larawang ito para lamang i-promote yung birthday vlog niya na matatagpuan sa top comment. Watch niyo ha? Panay artista. Don’t worry, wala ako dun. Bagay ba?”

Nagsabi rin ang female influencer ng, “whahahaha yabyuuuu.”

Na sinagot ni Xian ng, “love you more.” Pero sa ibang post ay sinabi ulit ng lalaking Marites na, “I love you more than friends.”

May post ulit ang binatang ama ng larawang may ka-holding hands siya pero iba ang nasa iZip niya.

Sa kasalukuyan ay wala pang reaksyon si Zeinab sa mga panibugho ni Xian, baka busy kay Wilbert?

 

Related Chika:
Hashtag Wilbert Ross game na game sa sex scenes pero hindi pa kayang magpakita ng ‘pototoy’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Zeinab Harake: Yung sarili ko di ko magawang hingan ng tawad o patawarin kasi totoo naman

Zeinab Harake basag sa rebelasyon ni Wilbert Tolentino; Herlene Budol, Madam Inutz, Robi Domingo nadamay na

Xian Gaza ibinuking ang dahilan ng away nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino: Pareho kayong may mali at pagkukulang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending