Ice namatayan uli ng alagang aso: 'Durog na durog ako, Choppy ko…sobrang sakit' | Bandera

Ice namatayan uli ng alagang aso: ‘Durog na durog ako, Choppy ko…sobrang sakit’

Ervin Santiago - December 15, 2022 - 05:28 PM

Ice namatayan uli ng alagang aso: 'Durog na durog ako, Choppy ko…sobrang sakit'

Ice Seguerra at Choppy

LABIS na nagdadalamhati ngayon ang singer-actor na si Ice Seguerra sa biglaang pagkamatay ng kanyang alagang aso.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang OPM icon at singer-songwriter sa kalunus-lunos na sinapit ng kanyang pet dog na si Choppy.

Sa kanyang Instagram account, malungkot na ibinahagi ni Ice kahapon, December 14, na pumanaw na si Choppy matapos mabiktima ng hit-and-run.

Nag-post si Ice ng ilang litrato nila ni Choppy sa IG noong nabubuhay pa ito at nilagyan ng caption na, “My sweet boy, Choppy, was killed today.

“He was a victim of a hit and run.

“I still can’t believe this is happening,” sabi ng singer-composer at direktor.

Sabi pa ni Ice, wasak na wasak ang kanyang puso sa sinapit ng alagang aso, “Durog na durog ako. Choppy ko… akala ko pag-uwi magkasama na tayo ulit.

“Sobrang sakit, Chop,” aniya pa.

Sa comments section ng Instagram post ni Ice, sunud-sunod ang mensahe ng pakikiramay at pakikidalamhati ng kanyang mga followers kabilang na ang ilang celebrities.

Comment ni Martin Nieverra, “Oh my god Ice! I am so so so sorry. My heart breaks with yours. I don’t know what else to say. My thoughts and prayers are with you.”

Pahayag naman ni Jed Madela, “Oh nooooooo!!! Yakap, Ice.”

“Oh noooo!! Isang mahigpit yakap,” pakikiramay ni Neri Miranda.

Mensahe ni Gary V, “WHAT?!?!?!?!! OMG Ice!!! I’m so sorry about this. Love you Ice.”

Matatandaang noong January, 2022 ay mamatayan din ng alagang aso si Ice, ito ay ang kanyang 13-year-old pug dog na si Porky.

Sabi ng award-winning singer, enlargement of heart at lung problem ang naging dahilan ng pagpanaw ni Porky. Binigyan pa nila ng kanyang asawang si Liza Dino ng maayos na libing ang nasabing aso.

Carla Abellana emosyonal sa pagkawala ni Cherie Gil: I will never forget you

Heart Evangelista humingi ng tulong para makita ang nawawalang aso; P50k reward para sa makakahanap

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Robin iniligtas ng alagang aso nang makaranas ng matinding depresyon: Siya ang nagbuwis ng buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending