Carla Abellana emosyonal sa pagkawala ni Cherie Gil: I will never forget you Bandera

Carla Abellana emosyonal sa pagkawala ni Cherie Gil: I will never forget you

Therese Arceo |August 06,2022
share this

Carla Abellana emosyonal sa pagkawala ni Cherie Gil: I will never forget you

Therese Arceo August 06, 2022 - 10:47 PM

Carla Abellana emosyonal sa pagkawala ni Cherie Gil: I will never forget you
ISA ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa mga artistang kasalukuyang nagdadalamhati sa pagkawala ng isa sa mga haligi ng industriya na si Cherie Gil.

Sa kanyang Instagram story ay sunud-sunod ang naging post nito habang nagbibigay ng kanyang tribute sa beteranang aktres.

You will always be in my heart, Tita Cherie. I have many cherished moments shared with you that i’ll never forget,” saad ni Carla.

Pagkukuwento niya, kuha ang kanilang larawan sa New York kung saan siniguro ng veteran actress na magiging worth it ang kanilang pagdalaw sa Amerika.

Ibinahagi rin ni Carla ang ilan sa kanyang mga first time experiences kasama ang kanyang Tita Cherie.

“My first Fantasy Series was with you and boy was that such a fun show to do. You breathed life into that show.

My first New York Grand Central Station experience was with you. I enjoyed that a lot,” ani Carla.

Naikuwento rin niya ang pagpunta niya sa apartment nito sa New York maging ang pagdalaw niya sa bahay ng pamilya nito kung saan nakilala niya ang asawa’t mga anak nito.

“You had a cozy New York apartment and you made me feel right at home. And your apartment rooftop? Such beautiful views of the New York skyline at night.

But your family’s home in the suburbs was extra special, because that’s where your children lived. I met Tito Rony, Bianca and Raphael. Such wonderful human beings,” sey ni Carla.

Pinuri rin niya ang namayapang aktres dahil sa pagiging mapagmahal nito sa mga taong malalapit sa kanya.

“You truly had such a gentle loving heart for people you cared for and loved. Your strong nature and brave spirit brought great energy to those around you.”

Amin niya, hindi siya makatulog matapos niyang malaman ang malungkot na balita ukol sa kanyang Tita Cherie kaya sinimulan niyang maghanap ng mga larawan nila at balikan ang mga memories nilang magkasama.

“I then prayed for you and fell asleep. That’s when i felt that you are at peace now. My faith tells me you are finally in God’s loving arms. Love you, Tita Cherie,” sey pa ni Carla.

Bukod sa mga proyektong pinagsamahan nila ay talagang naging malapit ang dalawa sa isa’t isa dahil pamangkin ni Cherie ang ex-boyfriend noon ng Kapuso star na si Geoff Eigenmann.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carla Abellana (@carlaangeline)

Related Chika:
Cherie Gil pumanaw na sa edad na 59

Sharon Cuneta nagdadalamhati sa pagpanaw ni Cherie Gil: It is the end of an era now that you’ve left us

Tom Rodriguez, Carla Abellana divorced na: It was not a perfect relationship, but we both know how much we loved each other

Zsa Zsa binalikan ang masayang alaala kasama si Cherie Gil: I’ll never forget how beautiful and vibrant you were!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending