Robin iniligtas ng alagang aso nang makaranas ng matinding depresyon: Siya ang nagbuwis ng buhay
NAPAIYAK ang action star at senatorial candidate na si Robin Padilla nang balikan ang panahong naghiwalay sila ng dating asawang si Liezel Sicangco.
Isa sa pinakamasakit na nangyari noon sa buhay ni Robin ay ang pakikipaghiwalay sa kanya ng unang asawa ilang taon na ngayon ang nakararaan.
Sa pakikilpagchikahan ni Binoe kay Toni Gonzaga na mapapanood sa YouTube channel nitong Toni Gonzaga Studios, sinabi ng tatay ni Kylie Padilla na grabe ang naramdaman niyang sakit noong iwan siya ni Liezel.
Ayon sa mister ni Mariel Rodriguez, hindi siya ready sa nasabing break-up pero aniya unti-unti rin niya itong natanggap dahil siya naman daw talaga ang nagkasala at nagkulang. hiwalayan, “Masakit ‘yun kasi ako ang dinivorce, e.”
Feeling niya, naipon na ang lahat ng sama ng loob, pagtitiis at pagpapakamartir ng dati niyang asawa hanggang sa hindi na nito makayanan ang lahat kaya nagdesisyon na si Liezel na magkanya-kanya na sila ng landas.
Dahil dito, talagang inatake siya ng matinding depression at naisipan pang tapusin na ang sariling buhay. Naisip daw niya noong panahong yun magpakamatay sa pamamagitan ng kanyang baril.
Pero hindi nga raw niya ito itinuloy at ang paniniwala niya ay sinagip siya ng alagang asong si Robin The Dog.
“Alam mo ‘yung baril ko noong time na ‘yun…kasi nagpuputukan nu’ng sandaling yun kasi magnu-New Year, e. The next day ‘yung aso ko nagpakamatay.
“Oo, totoo ‘to. Yung aso ko ha, si Robin the Dog. Next day, nagbigti ‘yung aso. Totoo ‘yan, siya lang (yung gumawa sa sarili niya,” paglalahad ng aktor na ikinagulat ni Toni.
Sa mga hindi pa masyadong aware, may matandang pamahiin na kung minsan talagang nagsasakripisyo ang mga alagang hayop para sa mga taong nag-aalaga at nagmamahal sa kanila.
Kaya naman ang feeling ni Binoe, isinakripisyo ng alaga niyang aso ang sarili para sa kanyang kaligtasan. At mula nga raw noon, mas pinahalagahan pa niya ang kanyang buhay.
Sa nasabi ring vlog ni Toni nagbahagi si Robin ng kanyang mga adbokasiya at iba pang batas na nais niyang isulong kapag nahalal siya bilang senador.
View this post on Instagram
Sa isang hiwalay na panayam sinabi ni Robin na, “Kaya naman ako pumasok sa politika kasi sawang-sawa na ako sa kakaendorso. Maniniwala ako sa isang kandidato, ieendorso ko magmula national hanggang local pero kapag nakaharap ko na uli ‘yung mga tao hindi pa rin nagbabago ‘yung sitwasyon ng pamumuhay nila.
“Kaya nagdesisyon ako kahit labag na labag sa kalooban ko ‘to para matapos na rin at magkaalam-alam na kasi naaapektuhan na rin ‘yung career ko (showbiz) kasi mula nu’ng nag-full blast ako ng suporta kay PRRD nawalan ako ng maraming trabaho kasi maraming sinagasaan si mayor na mga oligarko na dati kong mga boss.
“E, siyempre nawalan ako ng trabaho, gayun din sa pamilya ko kasi kinukuha nito ang oras ko. Hindi pa ako politiko nasa field na ako. Kung saan-saan na ako hindi na ako mahanap ng asawa ko minsan.
“E, siguro once and for all para matigil na rin ako tulad ng speech ko sa Comelec na pag nanalo ako, ito ang destiny ko talaga, pag natalo ako, e, tatahimik na ako talaga hindi n’yo na ako maririnig,” paliwanag pa ng aktor.
https://bandera.inquirer.net/280617/bakit-takot-na-takot-si-mariel-rodriguez-sa-mga-aso
https://bandera.inquirer.net/297004/heart-evangelista-humingi-ng-tulong-para-makita-ang-nawawalang-aso-p50k-reward-para-sa-makakahanap
https://bandera.inquirer.net/284338/jessica-hindi-na-magpapaapi-sa-mga-laitera-pauline-liezel-nagkapikunan-nga-ba-sa-taping
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.