Kilalang direktor isinugod sa ospital matapos magpa-chiro, nagkabali-bali ang buto
HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay nakauwi na ng bahay galing hospital ang kilalang director na nagtuturo ng workshop sa mga gustong mag-artista, sa mga kapos pa rin sa kaalaman sa pag-arte at sa mga nais mag-advance training.
Ang kilalang direktor ay nagkaroon ng broken ribs sanhi ng pagpapa-chiro sa isang chiropractor.
Hindi naman binanggit ng aming source kung ilang ribs ang na-fracture dahilan para itakbo siya sa hospital.
Ang tao ay may 12 pairs of ribs around the chest at puwedeng gumaling ito sa loob nang anim na linggong pahinga sa hospital o para makamenos gastos ay puwede rin sa bahay na lang magpagaling, depende sa tindi ng pagkakadale.
Hindi naman daw inoperahan ang kilalang direktor pero nagkaroon na siya ng trauma sa pagpapa-chiro na kinahihiligan ngayon sa showbiz industry lalo na ‘yung hindi gaanong nakakapag ehersisyo dahil sa nature ng work.
Sabi ng aming source, “Kaya dapat talaga mag-ingat sa pagpapa-chiro kasi delikado talaga ‘yan. Marami namang patients si ____ (chiropractor) at first time may balitang ganito.”
Bago namin matapos sulatin ang balitang ito ay walang binanggit ang aming source kung may legal action na gagawin ang kilalang direktor laban sa chiropractor.
Rabiya hindi na pina-follow sa IG ang non-showbiz BF; tuluyan nang naghiwalay?
Sikat na leading man pakembot-kembot na rumarampa sa mall habang may kasamang lalaki
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.