Biopic ni Whitney Houston pasok sa ‘The Best Films’ ngayong 2022
ISA sa mga tinitingalang sikat na international veteran singer ay si Whitney Houston.
At para sa kaalaman ng marami ay ginawan ng pelikula ang makulay niyang buhay, mula sa pagiging choir member hanggang sa maging iconic singer.
Kamakailan lang ay naglabas na nga ng listahan ang American media company na Variety ng “The Best Film of 2022” at nakasama diyan ang biopic film ng iconic singer na pinamagatang “I Wanna Dance with Somebody.”
Inilarawan pa ng film critic na si Owen Gleiberman na ang pelikula ay talagang madadala ang mga manonood.
“the kind of lavish impassioned all-stops-out pop-music biopic you either give in to or you don’t — and if you do, you may find yourself getting so emotional,” sey ni Owen.
Pinuri pa niya si Naomi Ackie, ang artistang gumanap bilang si Whitney at sinabing kuhang-kuha niya ang ginagampanang karakter.
“As Whitney Houston, Naomi Ackie is far from the singer’s physical double, yet she nails the hard part: channeling her incandescence,” sabi ng kritiko.
“She shows you the freedom that made Houston tick and the self-doubt that ate away at her, until she fell from the mountaintop she’d scaled,” aniya.
Sa pasilip ng “I Wanna Dance with Somebody” ay tampok ang ilang pagsubok ng legendary singer bago siya sumikat at nakilala sa buong mundo.
Bago maging “best-selling” at “most awarded recording artist of all time, nagsimula si Whitney sa pagkanta bilang isang choir member sa New Jersey sa Amerika.
Makakasama ni Naomi sa pelikula sina Stanley Tucci, Ashton Sanders, Tamara Tunie, Nafessa Williams at Clarke Peters.
Mapapanood ang “I Wanna Dance with Somebody” sa mga lokal na sinehan sa January 8 sa susunod na taon.
Related chika:
Jayda payag na payag bumida sa biopic ni Catriona: Handa na akong sumabak sa acting
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.