Bagyong Rosal papalayo na ng bansa, inalis na ang nakataas na signal number | Bandera

Bagyong Rosal papalayo na ng bansa, inalis na ang nakataas na signal number

Pauline del Rosario - December 11, 2022 - 10:20 AM

Bagyong Rosal papalayo na ng bansa, inalis na ang nakataas na signal number

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

HINDI na inaasahang tatama sa kalupaan ang bagyong Rosal.

Sinabi ‘yan mismo ng PAGASA sa isinagawang press briefing ngayong December 11 kaninang umaga.

Ayon pa sa ahensya, lumalayo na sa ating teritoryo ang bagyo pero nakikita nila sa forecast na posible pa itong lumakas.

Sey ni Weather Specialist Aldczar Aurelio, “Mula ngayon hanggang sa darating na araw ay unti-unting lalayo sa kalupaan si bagyong Rosal. Samakatuwid, malabo na pong mag-landfall ang bagyong Rosal sa ating bansa.”

Patuloy pa niya, “Sa susunod na 36 hours, inaasahan po natin ang bagyong Rosal ay lalakas mula tropical depression hanggang sa tropical storm.”

Bagamat inaasahan itong lalakas, hihina raw ulit ang bagyo sa mga susunod na araw.

Ani Aurelio, “Pagdating po ng December 14, next week, araw ng Miyerkules, inaasahan po natin na magiging low pressure area ang bagyong Rosal habang nasa loob ng ating Philippine area of responsibility.”

Base sa latest forecast ng PAGASA na inilabas ng 5:00 a.m. ay huling namataan ang mata ng bagyo sa silangan ng Casiguran, Aurora.

“The center of the eye was estimated based on all available data 330 km East of Casiguran, Aurora,” lahad sa weather bulletin.

Ang lakas ng hangin ni Rosal ay nasa 45 kilometers per hour at ang bugso ay umaabot sa 55 kilometers per hour.

Kasalukuyang kumikilos ang bagyo pa-hilaga sa bilis na 20 kilometers per hour.

Related chika:

LPA naging bagyo na, Signal no. 1 itinaas sa probinsya ng Catanduanes

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Biyaheng-dagat sa Bicol region kanselado dahil sa bagyong Rosal

Andi Eigenmann handang i-donate ang kikitain sa vlogs para sa mahal na isla: Motindog ra ta pagbalik, Siargao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending