Ogie Diaz ayaw umasa sa mga anak kapag tumanda na: Hindi nila kami obligasyon, kaya nag-iipon ako para sa amin ng mama nila | Bandera

Ogie Diaz ayaw umasa sa mga anak kapag tumanda na: Hindi nila kami obligasyon, kaya nag-iipon ako para sa amin ng mama nila

Ervin Santiago - December 11, 2022 - 07:34 AM

Ogie Diaz ayaw umasa sa mga anak kapag tumanda na: Hindi nila kami obligasyon, kaya nag-iipon ako para sa amin ng mama nila

Ogie Diaz kasama ang buong pamilya

“Tama yan, Ogie. Mag-anak ka. Para pagtanda mo, may mag-akay sa ‘yo. Sila naman ang babawi pag uugod-ugod ka na!”

Yan daw ang madalas marinig ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz mula sa ilang kaibigan at kakilala tungkol sa pagkakaroon niya ng mga anak.

Sinagot ni Ogie sa pamamagitan ng kanyang Facebook account ang tanong na, “obligasyon ba ng anak na magbigay ng pera sa magulang bilang sukli sa kanilang pagpapalaki?”

Ayon sa komedyante at content creator, “Di naman ako naiirita, nginingitian ko na lang kasi opinyon nila yon. Eh, sa yan ang konsepto nila ng pagkakaroon ng anak, eh.  Ang old school, di ba?

“Pero maayos ko namang ipinaliliwanag sa kanila na hindi ako nag-anak para lang may umakay sa akin. Mas masarap pa ring sabihing, ‘Nag-anak ako kasi, gusto ko. Kasi, masaya ang may pamilya. Masarap na may matawag akong pag-aari ko kasi anak ko sila. At mas masarap isipin na ang goal ko ay ako pa rin ang aakay sa kanila kahit otsenta na ako.’

“Ibig sabihin, kahit 80 na ako, malakas pa rin ako. Ang katawan ko. Pag-iisip ko. Kaya pa ng emosyon ko ang kung anumang ire-react ko o gagawin ko sa mga kaganapan sa mga anak ko at mga kaapu-apuhan ko,” paliwanag ni Ogie.

Ang punto pa niya, “Kaya nga ako nag-iipon. Kasi mga babae ang lima kong anak. Pag nag-asawa ang mga yan, buhayin sila dapat ng mga asawa nila. Gusto nilang magpamilya eh. Eh di panindigan nila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ogie Diaz (@ogie_diaz)


“Kaya nga sabi ko sa kanila, ‘Pag nag-asawa kayo after 25 years old na, meron kayong prize sa akin.’ **kung anuman yon, amin na lang yon ng mga anak ko,” aniya pa.

Sey pa ng vlogger, “Gusto ko kasi, i-enjoy nila ang kabataan nila. Lagi kong sinasabi sa kanila, ‘Pag kayo nag-asawa na, nag-anak na, mali-limit na ang mga gusto nyong gawin sa buhay.’

“Hindi nyo mama-maximize ang pagiging youth nyo. Mas magandang may mai-share kayong realization at wisdom sa mga anak nyo kasi na-experience nyo yon before.

“Mag-aral mabuti sa kursong pinili nila, magkaroon ng stable job. Magandang may alam sila sa buhay para di sila pinagmamalakihan ng lalake. Para pag iniwan sila, okay lang, dahil kaya mong magtrabaho kahit wala siyang hindot siya.

“Di ba? Dapat naman talaga, ganon.

“Saka hello! Kung ang mindset ko ay dapat alagaan nila ako pagtanda ko, baka masaktan lang ako pag hindi yon nangyari,” dugtong ni Ogie.

Mariin pa niyang sabi, “Kaya again, nag-iipon ako para sa amin ng mama nila, kasi nga, AYAW KONG UMASA SA KANILA pagdating ng araw.

“Hindi nila kami obligasyon, kaya hindi rin para mag-demand kami sa kanila ng aruga.

“Nasa mga bata yan kung gusto nilang gawin yung bumawi sa amin sa anumang paraan na kaya nilang bumawi. Di para mag-impose sa kanila. May obligasyon sila sa sarili nila o sa binuo nilang pamilya, yun ang unahin nila.

“Kaya nga ako nagse-save, dahil ayokong umasa sa mga anak. Na mas gugustuhin kong sila ang manghingi sa akin kesa ako ang manghingi sa kanila.

“Bonus na lang talaga yung sobra ka nilang mahal, masaya pa sila sa piling ng magulang nila, na gusto nilang bumawi sa amin ng mama nila, kaya ayaw pa nilang mag-asawa.

“Basta ako, lagi kong ipinagpe-pray na ang lahat ng anak ko pagdating ng panahong gusto nilang bumuo ng sariling pamilya ay sana, makayanan nila ang trials at marami silang matutunan sa buhay.

“Kung dumating man ang panahon na mas matimbang ang lovelife o dyowa nila kesa sa amin ng parents nila, maiintindihan ko.  Didibdibin ko pa ba yon? Eh, ayoko nga ng wrinkles, eh. No expectations, no disappointments.

“After all, pag nagkamali naman sila, nabigo sila sa pag-ibig, nagkaroon man sila ng anak at iniwan sila, alam nilang hinding-hindi namin sila tatalikuran ng mama nila.

“Kami pa rin ang magulang nila na buung-buo, yayakapin sila at di nila kailangang magpaliwanag pa,” pahayag pa ni Ogie Diaz.

Ogie Diaz tanggap ang pagkapanalo ng tambalang Bongbong-Sara

Kris Aquino pinayuhang wag tumakbong vice-president sa 2022: Senador at congresswoman na lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ai Ai delas Alas nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang adoptive mother

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending