Kim Atienza sinupalpal ang netizen na nagsabing lima lang ang fans niya: Anim naman | Bandera

Kim Atienza sinupalpal ang netizen na nagsabing lima lang ang fans niya: Anim naman

Therese Arceo - December 06, 2022 - 06:49 PM

Kim Atienza sinupalpal ang netizen na nagsabing lima lang ang fans niya: Anim naman

SINAGOT ng TV host at weatherman na si Kim Atienza ang netizen na nag-react sa kanyang post ukol sa viral video ni Deanna Wong.

Matatandaang viral ngayon ang volleyball player matapos ibahagi ng isang netizen ang video kung saan tila nang-isnab o hindi namansin ang dalaga sa mga bumabating fans habang pasakay siya sa bus.

Ito nga ay ibinahagi ni Kuya Kim sa kanyang Facebook page kalakip ang kanyang caption patungkol sa “responsibilidad” bilang public figure.

“As public personalities, (yes athletes are also public figures) We have a choice to inspire and show gratitude to fans who passionately support us or we can choose to stay private and give them the cold shoulder.

“This team should be advised that catering to fans is a responsibility, otherwise, stay out of the public eye and play privately. What an irritating yet sad sight. I hope they are advised by their sponsors to act properly in public. Back to you guys,” paglalahad ni Kuya Kim.

Umani naman ito ng samu’t saring komento mula sa madlang pipol kung saan may mga sumang-ayon at mayroon rin kumwestyon sa kanya “pakikisawsaw” umano sa isyu.

“Lol Hahahahahahahahahahha lilima lang fans mo syempre hindi mahirap pansinin yan,” comment ng isang netizen sa Twitter.

Pagsagot ni Kuya Kim, “Anim naman [smiley].”

May isa pa ngang netizen ang nakisabat sa usapan at tinanong kung pwede ba siyang maging pangpito sa mga sumusuporta sa mga fans.

Biro ni Kuya Kim, “Ok 7 na kayo. Thanks!”

Mayroong tweet rin ang kapwa volleyball player na si Ish Polvorosa patungkol sa “deadma” incident ng isang TV personality na may noontime show noon.

Bagamat walang pangalang binanggit ay marami sa mga netizens ang nagkonekta ng pangalan ni Kuya Kim sa tweet.

“Sus. Kaya pala nung magpapapicture nun sayo off-air sa noontime show niyo noon, deadma ka rin. Pinapalaki mo pa eh. LOL at u, not siding with anyone but tbh, ika’y isang #mema,” sey ni Ish.

Maglabas na rin naman ang management ng volleyball team ni Deanna patungkol sa isyu ag ibinahagi rin ito ni Kuya Kim sa kanyang social media account.

Sey pa ni Kuya Kim, “Let me just leave it here FB fam. There are 2 sides to a coin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kuya Kim apektado sa pangdededma ng volleyball team sa mga fans sa Bora; may kumampi pero meron ding kumontra

Kuya Kim tinawag na plastik ng basher dahil sa mensahe kay Vice: May mga tao talagang likas na toxic

Kuya Kim kinontra ang paratang ng bashers na inokray niya ang ‘Showtime’

Kuya Kim inakalang panaginip lang ang Itaewon stampede, sabi raw ng ilang kabataan: ‘This is all part of the party, it’s a prank!’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending