Kuya Kim inakalang panaginip lang ang Itaewon stampede, sabi raw ng ilang kabataan: 'This is all part of the party, it’s a prank!' | Bandera

Kuya Kim inakalang panaginip lang ang Itaewon stampede, sabi raw ng ilang kabataan: ‘This is all part of the party, it’s a prank!’

Ervin Santiago - November 01, 2022 - 09:50 AM

Kuya Kim inakalang panaginip lang ang Itaewon stampede, sabi raw ng ilang kabataan: 'This is all part of the party, it’s a prank!'

Kim Atienza

INAKALA pala ng ilang dumalo sa  Holloween party ng Itaewon District sa Seoul, South Korea na isa lamang prank ang nangyayaring stampede sa lugar.

Wala raw kaalam-alam ang mga kabataang naki-party-party sa nasabing selebrasyon na totoo na ang kaguluhang nagaganap at marami na ang mga namatay at nasugatan.

Ito ang kuwento ng Kapuso TV host na si Kim Atienza na personal na nasaksihan ang nakapanlulumong trahedya sa South Korea na kumitil sa buhay ng mahigit 150 katao at ikinasugat ng napakaraming turista.

Nagtungo ang team ng “Dapat Alam Mo”, ang news magazine show nina Kuya Kim sa GTV, para magdokumentaryo tungkol sa sikat na Halloween festivities sa Itaewon District.

Paglalahad ni Kuya Kim, talagang nakaka-trauma ang nasaksihan nila roon na parang panaginip lamang dahil nga inakala nilang sa pelikula lamang nangyayari ang ganu’ng uri ng trahedya. Mula raw nang mangyari ang stampede ay hindi na raw sila nakakatulog.

“Noong pumunta kami roon, nangyayari na. Nasa body bag na yung mga bata (na namatay) sa kaliwa at nire-revive yung marami sa 153 (mga biktima),” simulang kuwento ni Kuya Kim sa “Unang Hirit”.

“Du’n sa kabilang parte ng kalye, tuloy ang party. Hindi alam ng mga bata na yung nangyayari sa kabila, e, kamatayan na.

“Sila, nagsasayawan, tuloy ang party, lasing sila. Hindi nila alam, totoo na yung nangyayari sa kabila.

“Nu’ng tinanong namin, ‘Don’t you know what’s happening?’ Aba’y ang sabi sa amin, ‘This is all part of the party. It’s all a prank!’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kuya Kim (@kuyakim_atienza)


“Hindi nila alam na totoong namamatay na yung mga bata sa kabila. And it was so surreal. Ang feeling namin ng staff ng Dapat Alam Mo, parang panaginip.

“First time kami na nakakita nang ganoong klase ng pangyayari sa buong buhay namin. Hindi kami makatulog lahat nang gabing yun,” pagbabahagi pa ng TV host.

Patuloy pang pagdedetalye ni Kuya Kim, “Pumunta kami roon noong isang gabi para i-cover sana ang isang masayang event kasi ito yung annual Halloween parade kung saan daan libo ang dumarating.

“Ang information namin, dahil katatapos nga lang ng pandemic at two years nilang hindi ginawa ito [Halloween parade], more than 100,000 ang dumating na kabataan.

“Merong isang eskinita na nanggagaling sa train station, yung Itaewon stop. Paglabas na paglabas ng ng stop, may isang eskinita na napakakitid at pababa.

“Pupunta sila sa Main Itaewon Avenue, kung saan nandoon yung parada. Pumasok sila sa eskinita at parami nang parami ang mga kabataan papunta sa Main Itaewon Avenue.

“Kaso, hindi nila alam na punumpuno na yung Main Itaewon Avenue, therefore naipit sila nang naipit at naipon nang naipon ang mga kabataan sa maliit na eskinita hanggang nagkaroon na ng tinatawag natin na crowd crush.

“Ang itsura ng eskinita, pababa siya so sloping downwards. Napakakitid ng eskinita, ilagay na natin siguro sa 20 meters ang lapad na punumpuno ng mga tao. Talagang hindi mahulugan ng karayom,” lahad ni Kuya Kim.

Kasunod nito, inisa-isa ng Kapuso TV host ang klase ng stampede. Una raw ay ang fast stampede kung saan nagtatakbuhan ang mga tao.

Ikalawa raw ay ang tinatawag na crowd crush. Dito hindi raw makagalaw ang mga tao sa harapan habang parami nang parami ang mga tao sa likuran.

Aniya, ang nangyari sa Itaewon ay ang tinatawag na crowd crush kung saan naipit at nadaganan hanggang sa mawalan ng hininga ang mga tao sa harapan.

“Dahan-dahan silang nawalan ng hininga, inatake sa puso. Kaya ang na-witness namin noong isang gabi, talagang napakaraming kabataan ang binibigyan ng CPR ng medical staff na dumating.

“Siguro mga 20 ambulansya ang nakita namin at nakita namin kung paano binawian ng buhay ang mga kabataan sa isang masaya sanang event sa Itaewon.

“Ang nakita namin, e, patung-patong na katawan. Yung mga nasa ilalim, talagang nabawian na ng buhay.

“At yung mga bandang nasa ibabaw, hinihila ng mga pulis para ma-revive. Hindi nila mahila dahil naipit nga ng compressed ng mga tao.

“Actually, nu’ng nangyari yun, patuloy pa rin ang pasok ng mga tao sa likod ng eskinita.

“Hindi nila alam na wala nang daraanan at namamatay na ang mga tao sa harap ng eskinita,” pagdedetalye pa ni Kuya Kim.

149 katao patay sa ‘Itaewon Holloween’ stampede sa South Korea; ano nga kaya ang tunay na nangyari?

Xian Lim biktima rin ng pambu-bully sa school; kumakain sa CR, ninanakawan ng pera, sinasaktan pa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andi: Wala talaga sa isip ko noon ang magpakasal at magkaanak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending