Kiko Estrada game na game na nakipag-foursome sa erotic movie na 'Laruan': It’s a game of sexual politics | Bandera

Kiko Estrada game na game na nakipag-foursome sa erotic movie na ‘Laruan’: It’s a game of sexual politics

Ervin Santiago |December 05,2022
facebook
share this

Kiko Estrada game na game na nakipag-foursome sa erotic movie na ‘Laruan’: It’s a game of sexual politics

Ervin Santiago - December 05, 2022 - 07:09 AM

Kiko Estrada game na game na nakipag-foursome sa erotic movie na 'Laruan': It’s a game of sexual politics

Frank Russel, Kiko Estrada, Jay Manalo at Ava Mendez

KUNG may isang aktor na maituturing na napakaswerte ngayong huling bahagi ng 2022, yan ay walang iba kundi si Kiko Estrada.

Feeling blessed and lucky ang binata dahil tuluy-tuloy ang pagtatrabaho niya this year, yan ay mula nang mapabilang siya sa mga male celebrities na suki ng number one streaming app sa bansa na Vivamax.

Una siyang napanood sa Vivamax Original action-drama movie na “Sitio Diablo” kung saan nakatambal niya ang controversial sexy star na si AJ Raval.

Sinundan ito ng erotic love triangle story na “Us X Her” kasama uli si AJ at ang isa pang reyna na Vivamax na wala ring takot sa paghuhubad na si Angeli Khang.

At ngayon nga ay bibida siya uli sa “foursome” sex-drama na “Laruan” kasama sina former “Pinoy Big Brother” housemate na si Franki Russell, Jay Manalo at Ava Mendez.

Ito ay isinulat at idinirek ni Yam Laranas na gulat na gulat sa ipinakitang akting ni Kiko sa pelikula.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by kiko estrada (@jasondiazejercito)


Ayon kay Kiko, na-enjoy din niya ang experience working with Franki, Ava and Jay sa “Laruan”, “It’s a great experience working with them. We had a happy set.

“I play the role of Geoff, friend ni Franki but hindi alam ng husband niyang si Jay Manalo, I’m also her secret lover. And we’re doing our illicit lovemaking sa mismong bahay nila,” kuwento ng binata sa virtual mediacon ng “Laruan.”

Iikot ang istorya ng pelikula sa apat na pusong maghaharap-harap sa laro ng pagnanasa at susubukang manalo sa pamamagitan ng pandaraya, panlilinlang, pagtataksil at kung anu-ano pang kasinungalingan. Pero sa ganitong klaseng laro, mayroon nga bang mananalo?

Isang sexy-drama-suspense ang “Laruan”. Kuwento ito ni Camille (Franki) at ng asawa nitong si Rene (Jay) na isang sikat at misteryosong painter.

Madalas pagtaksilan ni Camille ang asawa dahil sa katrabaho nitong si Geoff (Kiko). Lagi ring iniimbita ni Camille si George na magsama mg date over dinner sa kanilang bahay. Iiwan nina Camille at Geoff sina Rene at ang date ni Geoff para mag-quickie sa mismong bahay ni Renn.

Magtutuluy-tuloy ang palabas na ‘to, at pakiramdam ni Camille ay nasa kanya na ang lahat, pati na ang buong atensyon nina Rene at Geoff.

Pero magbabago ang lahat sa pagdating ng bagong date ni Geoff, si Thea (Ava), isang free-spirited na art major. Dahil parehas ng hilig at parehas na interesado sa arts, magkakapalagayan ng loob sina Rene at Thea, at mahuhulog din ang loob sa isa’t isa.

Dito na magsisimulang ma-threaten si Camille dahil kahit na madalas niyang hindi pansinin at i-take for granted ang asawa, hindi ito sanay na nababaling ang atensyon nito sa iba. Lalo pang lalalim ang galit ni Camille kay Thea dahil mapapansin nitong napapalapit din ang dalaga kay Geoff.

Puno ng galit at pagseselos, iisip ng paraan si Camille para alisin sa landas niya si Thea, at dahil hindi ito sanay na natatalo at nabibigo, gagawin niya ang lahat para magtagumpay na guluhin at paglaruan ang buhay ni Thea, kahit na madamay pa sina Rene at Geoff sa mga plano niya.

“The movie is about relationships and how we ourselves complicate it. It’s a game of sexual politics and the script of Direk Yam Laranas explores the dynamics between the various characters well.

“Magugulat kayo sa mga twist sa takbo ng story and I’m really glad to be a part of this intriguing movie.

“It’s definitely erotic with its many love scenes between the various characters, but it also has a good story with well delineated characters,” pahayag pa ni Kiko.

Mapapanood na ang “Laruan” sa Vivamax ngayong December 16.

Camille Prats may babala sa netizens ukol sa ‘ineendorsong’ produkto: This is a scam

Sa wakas, Christian wedding nina Geoff Eigenmann at Maya Flores natuloy na rin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anak ni Bettinna Carlos nawalan ng ganang tapusin ang ginagawang laruan para sa ‘nawalang’ kapatid

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending