Sa wakas, Christian wedding nina Geoff Eigenmann at Maya Flores natuloy na rin | Bandera

Sa wakas, Christian wedding nina Geoff Eigenmann at Maya Flores natuloy na rin

Ervin Santiago |February 23,2022
facebook
share this

Sa wakas, Christian wedding nina Geoff Eigenmann at Maya Flores natuloy na rin

Ervin Santiago - February 23, 2022 - 01:11 PM

Bodie Cruz, Geoff Eigenmann at Maya Flores

AFTER almost three years matapos  nilang ibandera sa publiko ang kanilang engagement, nagpakasal na sina Geoff Eigenmann at Angeli Mae Flores o Maya Flores kahapon, Feb. 22.

Ayon sa ulat, naganap ang Christian wedding nina Geoff at Maya sa Victory Christian Fellowship Church sa Alabang, Muntinlupa.

Dinaluhan ng kani-kanilang pamilya at ilang malalapit na kaibigan ang kanilang intimate wedding and of course, kasama rin nila ang tatlong anak sa pinakaespesyal na araw nila ngayong taon.

Sa mga hindi pa masyadong aware, si Geoff ay pangalawa sa tatlong anak ng mga award-winning veteran stars na sina Michael de Mesa at Gina Alajar.

Ang dating aktor at pastor na ngayon na si Bodie Cruz (anak nina Tirso Cruz III at Lynn Ynchausti) ang nag-officiate ng kasal ng celebrity couple.

Nabatid na childhood friend ni Geoff si Bodie kaya ito ang napili niyang magkasal sa kanila ni Maya.

Ginanap naman ang wedding reception ng bagong kasal sa Da Gianni Cucina Italiana resto, na pag-aari ng pamilya ni Matteo Guidicelli.

Makikita sa Instagram accounts ng aktor at ng misis niyang singer ang kanilang mga wedding photos, kabilang na ang mga naging kaganapan sa reception.

Nag-post din ang pinsan ni Geoff na si Max Eigenmann sa IG ng mga litrato na kuha habang naghahanda ang aktor sa kanyang big day.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @mayaeigenmann


Aniya sa caption ng photo ng aktor habang nagpapagupit, “My cousin’s getting married!!!!!!!!!!!!!”

“Best man to the best man,” ang caption ni Max na kanilang “twofie”.

Taong 2019 nang ibalita nina Geoff at Maya ang kanilang engagement at naka-schedule na sana silang magpakasal noong April, 2020 ngunit na-delay nga ito dahil sa COVID-19 pandemic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatlo na ang mga anak ng bagong kasal — sina Arabella, Angus at Pepper na isang taon na ngayon.

Alwyn sa muntik na pagkasira ng relasyon nila ni Jennica: Opo, dahil sa akin…ako po ang may sala, sorry na po

Derek: Hindi namin sinasabi ni Ellen na mas OK ako kay John Lloyd…we’re just meant to be

Sexy actor na si Rash Flores umaming nagkadyowa na ng beki; nag-frontal sa ‘Palitan’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending