LTFRB iimbestigahan ang mga naniningil ng pamasahe sa 'libreng sakay' ng EDSA carousel | Bandera

LTFRB iimbestigahan ang mga naniningil ng pamasahe sa ‘libreng sakay’ ng EDSA carousel

Pauline del Rosario - December 04, 2022 - 10:42 AM
LTFRB iimbestigahan ang mga naniningil ng pamasahe sa 'libreng sakay' ng EDSA carousel

FILE PHOTO – Niño Jesus Orbeta/Philippine Daily Inquirer

MANANAGOT ang mga pasaway na bus drivers at konduktor sa Edsa carousel na naniningil umano ng pamasahe ngayong buwan ng Disyembre.

Kung matatandaan ay inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon ng libreng sakay ang Edsa carousel hanggang December 31.

Ang free rides ay nagsisimula ng 11 a.m. hanggang 11 p.m.

Ayon pa nga sa DOTr, ito ang kanilang tulong para sa mga kababayan na naapektuhan ng “inflation” o pagtaas ng mga bilihin.

Dahil diyan, sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na iimbestigahan nila ang ilang report na natatanggap nila mula sa commuters na sinisingil pa rin sila ng pamasahe.

Sey ng LTFRB sa isang pahayag, “Iimbestigahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang mga balita na naniningil pa rin ang mga PUB (public utility bus) drivers sa Edsa Busway.”

Iginiit din nila ang publiko na magsumbong kaagad sa mga traffic enforcer na nakatalaga sa bawat bus stations upang maaksyunan agad ang mga reklamo.

Kasabay niyan ay iimbestigahan din daw ng LTFRB ang bilang ng mga bus na bumabyahe sa Edsa carousel.

Ayon sa LTFRB, “Kaugnay naman sa umano’y kakulangan ng PUB sa Edsa Busway, kung saan inirereklamo ang matagal na paghihintay sa mga pasahero, patuloy ang pag-monitor ng LTFRB sa mga istasyon ng Edsa Busway upang matukoy ang mga lugar na mataas ang passenger demand at matugunan ito.”

Ayon sa DOTr, 100 buses ang bumibiyahe sa Edsa busway mula 11:01 P.M. hanggang 3:59 A.M., habang may 650 buses naman simula 4:00 A.M. hanggang 11:00 P.M.

Related chika:

K-pop idol Joshua Hong ng SEVENTEEN niloko ng taxi driver sa Pinas, LTFRB nagbabala: Kailanman ay hindi ito katanggap-tanggap

Libreng sakay ng Edsa carousel gagawing 24 oras, magtatapos ng Dec. 31

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lalaki nagwala sa EDSA Busway Station sa Pasay; napaiyak, nagsumbong…niloko raw ng dyowa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending