EDSA posibleng magkaroon na ng ‘fees’ –Remulla

EDSA posibleng magkaroon na ng ‘fees’, car owners kailangan magbayad –Remulla

Pauline del Rosario - February 06, 2025 - 03:30 PM

EDSA posibleng magkaroon na ng ‘fees’, car owners kailangan magbayad –Remulla

INQUIRER file photo

UPANG mabawasan ang matinding traffic, posibleng magkaroon na ng bayarin o “fees” para sa mga sasakyan na dumadaan sa Edsa, lalo na ‘yung four-wheeled vehicles.

Ayon sa ulat ng INQUIRER, naniniwala si Interior Secretary Jonvic Remulla na ito ang magiging daan upang mahikayat ang car owners na gumamit na rin ng pampasaherong transportasyon.

Ang nasabing plano ay tinalakay sa isang pulong tungkol sa Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP) para sa Metro Manila at mga karatig na lalawigan na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Martes, February 4.

Ngunit nilinaw ni Remulla na ipapatupad lamang ang plano kapag naayos na ang sistema ng public transportation sa Edsa.

Baka Bet Mo: Richard sa viral hugot sa EDSA: ‘It’s about traffic management’

“Ayan ang pinag-aaralan ng husto. Baka magkaroon ng metering system through AI (artificial intelligence),” sey ng kalihim sa isang interview nang tanungin kung paano mapapalakas ang paggamit ng pampasaherong sasakyan.

Patuloy niya, “Magkakaroon ng charge na ang gagamit kung ayos na ang lahat ng mga tren, ayos na ang lahat ng mga sistema.”

Aniya pa, “Magkakaroon na ng metering system within Metro Manila para ma-encourage na ang tao na mag-public transportation na lang sila.”

Nang tanungin kung ibig bang sabihin nito na kailangang magbayad ang mga may-ari ng sasakyan upang magamit ang Edsa, katulad ng ibang bansa, sinabi ni Remulla, “Oo. So it becomes a privilege, not a right. Anti-cars ‘yung kalye.”

Nabanggit din niya 17 percent ng mga tao ang gumagamit ng 80 percent ng mga kalsada sa Metro Manila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But the first order of the day, dapat efficient and reliable and comfortable ang public transportation. Yun ang uunahin,” giit pa ng cabinet official.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending