Madre nagmando ng trapiko sa Maynila: Subukan mong ‘wag sumunod!
“NAPA-STOP, look and listen” ang mga motorista nang magmando ng daloy ng trapiko ang isang madre sa isang kalye sa Vito Cruz, Manila.
Nag-viral at umani ng milyun-milyong likes at views ang video kung saan makikitang inaayos ng madreng si Sister Constance Tecson ang traffic situation sa
Kinagiliwan ng netizens ang isang madre na nakuhanan ng video habang nagmamando ng trapiko sa isang kalsada sa Vito Cruz sa Maynila.
Baka Bet Mo: Madre na itinuturing na pinakamatandang tao sa mundo pumanaw na sa edad 118
Base sa ulat, ang video ay in-upload sa Facebook nina Francis at Christle Samonte na napadaan daw sa naturang kalsada pero naipit nga sa mabigat na daloy ng trapiko.
Dito nga nila nakita si Sr. Constance Tecson na nagmamando ng traffic malapit sa St. Scholastica’s College Manila kung saan naroon ang kumbento ng St. Scholastica’s Priory kung saan siya nagsisilbi.
“Subukan mo wag sumunod, minus one ka sa langit. Happy Monday! God Bless the week!” ang caption ng netizen sa kanyang Facebook post.
“I was so impressed as she made sure traffic was moving well,” ang pahayag ni Francis sa panayam ng ABS-CBN.
Kuwento naman ni Sister Constance, madalas naman daw niyang ginagawa ang pagsasaayos ng trapiko sa naturang lugar bilang isa sa kanyang tungkulin sa kumbento ng St. Scholastica’s Priory.
Malaki raw ang naitutulong ng kanyang pagiging volunteer “traffic enforcer” tuwing umaga dahil mas maayos at mabilis na nakakapasok ang mga estudyante sa nabanggit ng kolehiyo.
“Automatic sa akin na pag may traffic ay tumutulong ako, minsan bumaba ako ng sasakyan,” sabi ng madre sa panayam pa rin ng ABS-CBN.
Taga-Bukidnon si Sister Constance at pumasok daw siya sa kumbento noong 1991. Bukod sa Maynila, na-assign na rin siya sa Cavite, Legaspi at ilang lugar sa Mindanao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.