Lalaki nagwala sa EDSA Busway Station sa Pasay; napaiyak, nagsumbong…niloko raw ng dyowa
UMIIYAK na nagwala ang isang lalaking niloko umano ng dating karelasyon sa gitna ng EDSA Busway Station sa Pasay City kamakalawa.
Ito nga ang dahilan kung bakit biglang naantala ang biyahe ng mga bus sa northbound lane ng nasabing istasyon, ayon sa ulat ng InterAgency Council for Traffic (IACT) nitong September 27.
Balitang pumasok sa mismong busway ang lalaki at nagwala na sinundan naman ng kanyang dating girlfriend at pilit siyang inaawat at pinakakalma.
Ilang sandali lamang ang lumipas, nilapitan siya ng mga operatiba ng I-ACT, Philippine Coast Guard (PCG), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para patigilin sa pagsigaw at pagwawala.
Sa Facebook post ng IACT, mukhang nais lamang ng lalaki na mailabas ang kanyang sama ng loob dahil niloko raw siya ng kanyang dating kasintahan.
Sa video na ibinahagi ng IACT, makikitang hindi iniwan ng kanyang dating karelasyon ang lalaki at patuloy siyang pinakakalma pero tila wala itong naririnig.
“BABALA: May mga maseselang salitang sinambit ang suspect dala ng kanyang pagkakalango.
“Hindi soul-searching, kundi gulo-searching ang ginawa ng isang lalaking sawi sa pag-ibig, kaninang umaga, sa kalagitnaan mismo ng Pasay Taft Avenue Busway Station,” ang simulang pagbabahagi ng IACT.
“Pansamantalang naantala ang biyahe ng mga bus sa northbound lane ng nasabing istasyon matapos pumasok sa mismong busway ang lalaki na kalaunay nagwawala at inaawat umano ng kanyang dating kasintahan sa kanto ng Cuneta Avenue, Pasay City.
“Isang mahigpit na yakap mula sa lalaki ang sinalubong ng isa nating operatiba.
“Tila naghahanap ito ng kakamping mapaglalabasan ng sama ng loob dahil habang nakayakap, napaiyak at pasigaw na nagsumbong ito na niloko umano siya ng kanyang dating kasintahan.
“Pilit siyang pinapakalma ng ating mga operatiba ngunit nag-iba ang ihip ng hangin at hindi pala ito ang gusto ng lalaki.
“Para daw mailabas ang kanyang sama ng loob sa panloloko ng kanyang naging nobya, bigla na lamang nitong itinulak at hinamon ng suntukan ang isa sa ating mga operatiba.
“Mabilis naman nakailag sa suntok ang mga ito sabay restraint sa lalaki. Hindi pa din siya napigil maglabas ng sama ng loob kahit pinakapakalma na siya ng dating nobya.
“Agaran din nakaresponde ang ating kapulisan at dinala ang dating magkasintahan sa Pasay Community Precint 6 upang imbestigahan sa nagyaring insidente,” ang nakasaad sa FB post ng IACT.
https://bandera.inquirer.net/286574/bilang-ng-mga-filipino-na-walang-trabaho-nabawasan
https://bandera.inquirer.net/311781/jk-labajo-sa-mga-bumabanat-sa-leni-kiko-pasay-rally-imagination-lang-po-namin-lahat-yun
https://bandera.inquirer.net/283780/cherie-gil-biglang-umalis-sa-ginagawang-teleserye-i-have-no-regrets
https://bandera.inquirer.net/295425/kisses-nabiktima-na-rin-ng-snatcher-sa-edsa-pero-nabawi-ko-rin-po-sa-magnanakaw-yung-cellphone
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.