Mina Sue Choi ng Korea kinoronahang Miss Earth 2022 | Bandera

Mina Sue Choi ng Korea kinoronahang Miss Earth 2022

Armin P. Adina |November 29,2022
facebook
share this

Mina Sue Choi ng Korea kinoronahang Miss Earth 2022

Armin P. Adina - November 29, 2022 - 10:52 PM

Miss Earth Mina Sue Choi

Miss Earth Mina Sue Choi/ARMIN P. ADINA

MAKARAAN ang dalawang virtual coronation ceremonies, sa wakas nakapagkorona na ang Miss Earth pageant ng isang bagong reyna sa isang pisikal na palatuntunan, at siya si Mina Sue Choi mula sa Korea.

Dinaig niya ang 85 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang bansa sa patimpalak na itinanghal sa Cove Manila pool club ng Okada Manila sa Parañaque City ngayong Nob. 29. Ipinalabas ito nang live sa Globovision sa Latin America at Caribbean, at napanood online sa buong mundo sa pamamagitan ng official Kumu account ng Miss Earth, at sa opisyal na Facebook page at YouTube channel ng patimpalak.

Tinanggap ng bagong reyna ang titulo mula kay Destiny Wagner, ang unang taga-Belize na nakasungkit ng korona sa isang major international pageant, at nagwagi sa virtual competition na isinagawa noong 2021. Online ang mga naging patimpalak nitong nagdaang dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Kinokoronahan ni 2021 Miss Earth Destiny Wagner ang tagapagmana niyang si Mina Sue Choi mula Korea

Kinokoronahan ni 2021 Miss Earth Destiny Wagner ang tagapagmana niyang si Mina Sue Choi mula Korea./ARMIN P. ADINA

May “elemental queens” pang kinoronahan sa pagtatapos ng patimpalak, sina Miss Earth Air Sheridan Mortlock mula Australia, Miss Earth Water Nadeen Ayoub mula Palestine, at Miss Earth Fire Andrea Aguilera mula Colombia.

Nagtapos naman sa Top 20 ang kinatawan ng Pilipinas, ang American-Filipino Psychology student na si Jenny Ramp mula sa lalawigan ng Tarlac.

Ito ang ika-22 edisyon ng taunang international competition na tinatag ng Carousel Productions upang maisulong ang pangangalaga sa kalikasan at makapaghanap ng katuwang sa pagsagip sa planeta. Binansagang “Beauties for a Cause,” inaasahang magpapalaganap ng environmental awareness ang mga reyna at kandidata ng Miss Earth.

Apat na Pilipina na ang nakasusungkit ng korona—sina Karla Henry noong 2008, Jamie Herrell noong 2014, Angelia Ong noong 2015, at Karen Ibasco noong 2017.

Miss Earth

Kasama ni Miss Earth Mina Sue Choi (pangalawa mula kaliwa) ang ‘elemental queens’ na sina (mula kaliwa) Miss Earth Air Sheridan Mortlock, Miss Earth Water Nadeen Ayoub, at Miss Earth Fire Andrea Aguilera./ARMIN PM ADINA

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending