Australia Miss Earth 2024; Irha Mel Alfeche ng PH pasok sa Top 12

Australia waging Miss Earth 2024; Irha Mel Alfeche ng Pinas nagtapos sa Top 12

Pauline del Rosario - November 10, 2024 - 10:28 AM

Australia waging Miss Earth 2024; Irha Mel Alfeche ng Pinas nagtapos sa Top 12

Miss Earth 2024 Jessica Lane, PH bet Irha Mel Alfeche

MAY bago nang environmental warrior at siya’y walang iba kundi si Jessica Lane from Australia na nagwaging Miss Earth 2024!

Ang nagpasa ng korona at titulo ay ang Albanian queen na si Drita Ziri na nanalo last year.

Ang coronation night ay ginanap sa Okada Manila sa Parañaque City kagabi, November 9.

Bilang Miss Earth 2024, si Jessica ay inaasahang magsisilbing “vanguard” para sa environmental awareness at sustainability.

Para sa mga hindi masyadong aware, ito na ang pangunahing adbokasiya ng international pageant mula nang itinatag noong 2001.

Baka Bet Mo: Nadine pinasalamatan ni Andi sa pagbo-volunteer sa SEA movement

Bukod sa kanya, tatlong reyna pa ang nabigyan ng titulo –Miss Earth-Air Hrafnhildur Haraldsdóttir ng Iceland, Miss Earth-Water Bea Millan-Windorski from USA, at Miss Earth-Fire Niva Antezana mula Peru.

Ang kanilang role ay para i-promote ang pagpoprotekta ng kalikasan sa pamamagitan ng paghihikayat sa buong mundo na mas maging eco-friendly na makakatulong na mabawasan ang epekto ng pagbabago ng klima.

Samantala, nagtapos agad ang Miss Earth journey ng ating pambato na si Irha Mel Alfeche na kung saan siya ay naging parte ng Top 12.

Ang judging panel ay binubuo ng Miss Earth titleholders kabilang na sina Priscilla Meirelles ng Brazil (2004), Mina-Sue Choi from Korea (2022), at ang Pinay queens na sina Jamie Herrel (2014) and Karen Ibasco (2017).

Noong nakaraang buwan nagsidatingan ang mga kandidata ng kompetisyon at isa sa mga binisita nila ay iba’t-ibang eskwelahan at tourist destinations ng ating bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maliban sa kompetisyon, naging layunin din nila sa ating bansa ay para ipalaganap ang environmental awareness.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending