Nadine pinasalamatan ni Andi sa pagbo-volunteer sa SEA movement
NAGPAKITA ng pagsuporta ang aktres na si Nadine Lustre sa Siargao Environmental Awareness movement na kinabibilangan ni Andi Eigenmann.
Sa kanyang Instagram story ay ibinahagi ni Andi ang larawan ni Nadine na nagbabasa ng environmental stories sa mga chikiting sa Siargao.
Kita rin sa litrato ang panganay na anak nitong si Ellie na miyembro rin pala ng SEA patrol group.
“Ellie’s Sea patrol group had a special volunteer today!
“@nadine glad to have this island gain someone of great influence, taking her time to support and advocate for such an important cause!” saad ni Andi.
View this post on Instagram
Kilala naman si Nadine sa hayagan nitong pagsuporta sa pangangalaga sa kalikasan.
Marami na ring mga environmental organizations ang nakipag-team uo sa aktres upang palawakin pa ang panawagan sa pagprotekta kay Inang Kalikasan.
Noong 2018 ay nag-participate si Nadine sa isang clean-up drive sa Siargao kasama ang kanyang ex-boyfriend na si James Reid.
Nakipag-partner rin si Nadine sa Greenpeace, isang independent environmental organization, upang magbigay awareness sa mga tao ukol sa lumalalang water pollution sa bansa na sanhi ng mga plastics na hindi naitapon nang maayos sa tamang lagayan.
“Growing up, I loved having a lot of plants around me. I love playing in the garden and going out. I’m very conscious about ‘yung mga kalat sa paligid and for some reason it really bothers me.
“Lahat ng kalat ko noon pinupulot ko, nilalagay ko sa pocket. ‘Pag may nakikita akong wrapper I put it in the trash can.
“I think it’s a very big issue na sana this time alagaan naman natin ‘yung environment natin,”saad ni Nadine sa 2020 interview kay Boy Abunda patungkol sa kanyang pagprotekta sa kalikasan.
Related Chika:
Nadine, Liza, Yassi nagtayo ng sariling kumpanya: It’s a platform for mental health
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.