Alyssa Gibbs ikinasal na sa kanyang non-showbiz dyowa makalipas ang 5 taong engagement
MAKALIPAS ang limang taong engagement, nagpakasal na ang anak nina Janno Gibbs at Bing Loyzaga na si Alyssa Gibbs sa kanyang non-showbiz partner.
Ibinandera ni Alyssa sa kanyang mga kaibigan at social media followers ang naganap na wedding nila ng long-time fiancé na si Anton Cruz.
Nag-post ang singer sa kanyang Instagram page ng ilang litrato nila ni Anton na kuha sa naganap na wedding ceremony sa The Palm House sa Australia.
“After a 5-year engagement, we finally got hitched!” ang inilagay niyang caption sa kanyang IG post.
Nagbahagi rin si Anton ng magkaparehong litrato sa kanyang IG account na may mensaheng, “Finally got married to the love of my life.”
Bumuhos naman ang mga pagbati sa bagong kasal mula sa kanilang mga kapamilya, kaanak, mga kaibigan at mga socmed followers kabilang na riyan sina Bea Binene, Kryz Uy at Inka Magnaye.
Nag-congratulate rin kina Alyssa at Anton ang aktor na si Diego Loyzaga, “Congrats kuya. I’m sorry I’m not there. But still, congrats.”
Nakatakda sanang ikasal sina Alyssa at Anton noong April 5, 2020 ngunit hindi nga ito natuloy dahil sa COVID-19 pandemic.
“One way or another it’ll happen in God’s perfect time,” ang caption ni Alyssa sa kanyang IG post noong i-announce nila ni Anton na postponed ang wedding.
Related chika:
Janno ipinagtanggol ng 2 anak kay Kitkat; umaming nakatanggap ng death threats mula sa bashers
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.