Cristy Fermin napa-sana all sa ‘Gold Card’ ni Bea sa Spain: Magaling siyang humawak ng pera
TODO ang papuri ng kolumnistang si Cristy Fermin sa Kapuso actress na si Bea Alonzo sa isang episode niya ng “Showbiz Now Na!” kasama sina Wendell Alvarez at Romel Chika.
Dahil ‘yan sa latest milestone ng aktres na nabigyan ng Golden Visa o Spanish Government Residency by Investment (RBI) program matapos makabili sa Madrid, Spain ng isang apartment na nagkakahalaga ng 500,000 euros o P30 million.
Para sa kaalam ng ating mga ka-bandera, ang nakuhang Golden Visa ni Bea ay nangangahulugang siya’y isa nang legal resident ng nasabing bansa.
Matatandaang nabanggit pa ni Bea sa kanyang huling YouTube vlog na bilang bagong residente ng Spain ay hindi siya required manatili sa nasabing bansa at visa free na siya kapag nag-travel sa Schengen area ng European Union.
Ang benepisyong ito ay extended daw sa kanyang Mommy Mary Anne.
Anyway, balik na nga tayo sa sinabi ni Cristy na kahit siya ay masayang-masaya sa naabot ng aktres.
Aniya, “Nakakatuwa pong ibalita na nakakatuwang malaman na nakuha na po ni Bea Alonzo ang kanyang Gold Card. Residente na po siya ng Madrid, Spain. Ito po ay dahil sa basehan ng tinatawag natin na RBI, ‘residency by investment.’”
Patuloy na paliwang pa niya, “Kapag pala ang isang banyaga ay nakapag-invest ng mga katulad ni Bea na mahigit 30 million pesos maaari po palang mag-apply para maging residente ka na ng Madrid, Spain.
“Ito nga po ‘yung sa bisa ng tinatawag nating ‘residency by investment.’ Hindi lang naman ‘yung pagkabili ng apartment ‘yun. Namili pa sila ng ilalagay doon sa apartment.”
Ayon pa sa batikang kolumnista na isang magandang ehemplo si Bea para sa mga artista pagdating sa pag-iinvest.
Sey ni Cristy, “At tsaka ito po ay isang patunay na ang mga artista po ay dapat naniniwala na walang kasiguraduhan ang bukas sa kanilang hanapbuhay.
“Kaya ang pinakamagandang ginawa dito ni Bea Alonzo, bukod po siyempre sa napakaswerte niya sa pagkakaroon ng magagandang proyekto at mga advertisements, nag-ipon at ginawa niya talagang panuntunan sa buhay na paano kung nagbaba na ang kurtina ng karera ko, paano na ako at ang aking pamilya? ‘Yun yun.”
Ipinunto pa niya na, “Magaling siyang humawak ng kanyang pinaghihirapan, ‘yun yun. E sabi nga po ng iba, sana all. Pero sana all po matuto.”
Nabanggit pa ni Cristy sa kanyang episode na kaya sunod-sunod ang nagiging biyaya ni Bea ay dahil maalaga at mapagmahal ito sa kanyang nanay, pati na rin sa kanyang step dad.
Chika ng kolumnista, “Pero alam mo, may isa akong napansin sa kabuuan ng vlog kapag sila ay kumakain.
“Si Bea, naghihimay ng isda, naghihiwa ng karne, binibigyan niya si mommy Mary Anne, binibigyan din niya ang kanyang step dad. Napakaganda po.”
Patuloy pa niya, “Ako talaga, matandain ako sa ganyan eh. Pagdating sa respeto at pagkaabala sa pag-aasikaso. Maano ako diyan, matining ako diyan. Binibigyan niya ng pagkain si Dondon. Binibigyan niya talaga, katulad ng kanyang ina.”
Nag-agree rin si Romel sa sinabi ni Cristy at sey niya, “Kaya nakita mo, ang langit ang ngiti sa kanya ay grabe. Sobrang biyayang dumadating diba.”
Pati ang maraming netizens, sumang-ayon talaga kay Cristy at narito ang ilan sa mga nabasa naming komento.
“Bea is not only somebody who knows how to save but because she seems to be a really nice person, I am sure God is always there to guide her in her daily undertakings.”
“Bea is pretty, good natured, loving to her Mom and family, good to people and maybe she is charitable too to those who are less fortunate than she is. Thank you Ms. Fermin, Rommel and Wendell. I love to watch this program.”
“Bea Alonzo ay mabait na anak hindi lumaki ang ulo dahil siya ay sikat na kaya maraming blessings sa kanya na dumarating.”
Related chika:
Bea Alonzo nabili ang sariling bahay sa Spain sa halagang P30-M; nagetsing na ang Golden Visa
Bea Alonzo may ‘short but sweet’ bday message sa ina
Bea Alonzo ibinandera ang bagong apartment sa Madrid, Mommy Mary Anne super happy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.