Ciara Sotto may bagong vlog series, good vibes ang ‘powder challenge’ | Bandera

Ciara Sotto may bagong vlog series, good vibes ang ‘powder challenge’

Pauline del Rosario |November 26,2022
facebook
share this

Ciara Sotto may bagong vlog series, good vibes ang ‘powder challenge’

Pauline del Rosario - November 26, 2022 - 01:05 PM

Ciara Sotto may bagong vlog series, good vibes ang ‘powder challenge’

PHOTO: Screengrab from Ciara Sotto’s powder challenge YouTube video

NASUBOK ang pagkakaibigan nina singer-actress na si Ciara Sotto at ang kanyang college friend na si Chamyto Aguedan.

‘Yan ay matapos nilang gawin ang “Powder Challenge” sa bagong YouTube vlog series ng singer-actress na “Ciara Tries.”

Ito ang kauna-unahang episode ni Ciara sa bago niyang vlog series.

Sey pa ng aktres, “For this series, I will be trying new things from trending challenges, new food, sports and other hobbies. So I’m very excited about this.”

Inanyayahan pa niya ang kanyang viewers na mag-comment sa kanyang video para sa nais pa nilang ipagawa sa aktres.

Sabi ni Ciara, “If you want me to try something for you for this series, for ‘Ciara Tries,’ please feel free to comment down below and let me know what you want me to do.

“Let’s make things more interesting.”

Sa powder challenge, malalaman nila kung gaano nila kakilala ang isa’t-isa.

Sari-saring mga katanungan kasi ang ibabato sa kanila at kabilang na riyan ang tungkol sa kanilang buhay, personalidad at love life.

Makikita sa vlog na magkatabi ang mag-bestfriend habang mayroong unan sa kanilang harapan na may powder.

Ang rule dito, kailangan nilang isubsob ang mukha ng kanilang katabi sa unan na may powder kung sa tingin nila ay ito ang  tinutukoy sa tanong.

Tila marami-rami tayong nalaman tungkol sa aktres at ilan dito ay madali siyang ma-inlove at marupok noong college student pa lang siya.

Bukod diyan ay inamin sin niya na siya’y matampuhin, mabilis magselos, chismosa at magaling magtago ng sikreto.

Habang ang kanyang kaibigan na si Chamyto ay mas clingy, mas manhid, mas maraming ex, kuripot, mabilis magalit, palaaway, mataas ang pride, at mainitin ang ulo.

Maraming netizens naman ang tuwang-tuwa sa naging unang challenge ng vlog series at karamihan sa kanila ay nagrekomenda na ng mga nais nilang ipa-challenge kay Ciara.

Narito ang ilan sa mga request nila:

“Miss clara sana po maka collab nyo si Mayor Vico (red heart emoji)”

“Try mo naman Ate yung Utang Challenge, tatawagan mo po yung mga friends or family mo (laughing emoji)”

“Balloon challenge po (smiling emoji)”

“No laughing challenge with ms poleng.”

Related chika:

Maricel Soriano sumabak sa pole dancing, bumilib kay Ciara Sotto: Oh my God! Ang galing, parang magic!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ciara Sotto sa mga may partner na cheater: Ihatid mo sa pintuan palabas, sipain mo pa!

Ciara Sotto wala pa ring swerte sa lalaki, hiwalay na sa dyowang Fil-Am

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending