SB19 bumandera uli sa ‘The First Take’, ‘MAPA’ performance trending
ILANG linggo matapos mag-viral ang first-ever performance nila sa “THE FIRST TAKE,” muling nagbalik ang Pinoy pop kings na SB19 upang ibandera ang isa pa nilang hit song.
Kung ‘nung nakaraan ay nagpakitang-gilas sila sa “GENTO,” ang ibinandera naman nila recently ay ang emotional song na “MAPA.”
For sure, marami ang naantig dito from all over the universe dahil ang second performance nila sa nasabing segment ay kasalukuyang kasama sa trending list ng YouTube!
Ang video ay malapit nang mag-isang milyong views, as of this writing.
“We’re excited to share a different version of MAPA to the local and international audience through THE FIRST TAKE,” sey ng boy group sa isang press statement.
Baka Bet Mo: True ba, talent fee ng SB19, BINI umaabot na sa P5-M to P8-M?
Wika pa nila, “We’re honored to showcase Filipino music on a music platform with a reputable track record of elevating the global presence of the artists performing. Mad props to THE FIRST TAKE for giving us a chance to impart a piece of our cultural and music sensibilities in ways that could be challenging but exciting.”
Ang SB19 ang kauna-unahang Southeast Asian group at first-ever Pinoy na naimbitahan sa nasabing influential music media outlet.
Sa ngayon, ang official lyric video ng “MAPA” ay umaani na ng mahigit 100 million views.
Ang nabanggit na single ay dedicated ng SB19 para sa kanilang mga magulang, pati na rin sa mga tumayong mga magulang nila.
Samantala, ang “THE FIRST TAKE” ay isang Japanese YouTube channel na itinatampok ang top singers and artists mula sa iba’t-ibang bansa upang mag-perform ng kanta sa isang kuha lamang.
Kung curios naman kayo sa debut performance ng P-Pop kings sa nasabing channel, lagpas na ito sa two million views!
Dahil diyan, lubos ang pasasalamat ng SB19 sa lahat ng global fans na sumuporta sa kanila.
“We were able to come this far thanks to the support of all the A’TIN,” anila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.