Ciara Sotto wala pa ring swerte sa lalaki, hiwalay na sa dyowang Fil-Am Bandera

Ciara Sotto wala pa ring swerte sa lalaki, hiwalay na sa dyowang Fil-Am

Ervin Santiago |July 06,2021
share this

Ciara Sotto wala pa ring swerte sa lalaki, hiwalay na sa dyowang Fil-Am

Ervin Santiago July 06, 2021 - 05:10 PM

MUKHANG wala pa talaga ang hinihintay na “Mr. Right” at ang pang-forever na partner in life ng aktres at pole dancer na si Ciara Sotto.

Kinumpirma na kasi ni Ciara na hiwalay na sila ng kanyang Filipino-American boyfriend na si Ian Austin sa latest vlog na in-upload niya sa YouTube.

Nagpa-Q&A session kasi ang anak nina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa sa kanyang supporters bilang bahagi ng kanyang 41st birthday celebration.

Dito, diretsahan ngang sinagot ng aktres ang mga maiintrigang tanong mula sa mga netizen kabilang na nga ang tungkol sa tunay na estado ng kanyang lovelife.

Tanong ng isa niyang follower, kung sila pa rin ni Ian, “Nope. Sorry, I am single now. So yeah, that answers the question too why I don’t plan on getting married soon because I am single again. End of conversation.”

Aniya pa, “You know some things just don’t work out sometimes.” 

Sabi ni Ciara, may mga bagay talaga sa mundo na hindi pang-forever at kailangan nang magtapos. 

“I just feel that when something has to end, you just end it, especially when you have peace in your heart. 

“And when things aren’t working anymore, you just have to let things go and wait for God to surprise you again,” pahayag pa ni Ciara. 

May nagtanong din sa kanya kung kaibigan pa ba niya ang mga ex dyowa niya o siya yung tipo ng babae na kapag goodbye na, wala nang balikang mangyayari o kahit maging friends na lang.

“I’m friends with almost all of my exes but not chummy-chummy, you know what I am saying. Yeah, I am friends with them. I mean like they can text me anytime,” sagot ng aktres.

Sinabi rin niya sa isang bahagi ng vlog na napatawad na niya ang kanyang ex-husband na si Joe Oconer. 

Ikinasal sila noong 2010 at na-annul ito noong 2019. Biniyayaan sila ng isa silang anak, si Crixus. 

“Of course, napatawad ko na siya. I mean it’s really hard if you harbor unforgiveness in your heart.

“I mean, when you forgive someone, you are doing it for yourself, it’s not for the person. It doesn’t get the person off the hook. I mean, whatever else that person does, it’s already his problem.

“It’s always best to forgive and I do not want my son to grow up knowing he has a very unforgiving mom. So, yes, napatawad ko na siya and we’re friends. And maybe, one of these days, I’ll guest him on my vlog.

“We’re friends, we’re really good friends. As in like friends that can text each other anytime, call each other anytime. You know, he knows me well and I know him well. So we’re good friends,” pahayag ni Ciara about her ex-hubby.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending