Joel Lamangan sa bagong proyekto: Hindi naman ito pelikula na lahat ng lalaki at babae ay magkakangkangan | Bandera

Joel Lamangan sa bagong proyekto: Hindi naman ito pelikula na lahat ng lalaki at babae ay magkakangkangan

Ervin Santiago - November 22, 2022 - 06:27 AM

Joel Lamangan sa bagong proyekto: Hindi naman ito pelikula na lahat ng lalaki at babae ay magkakangkangan

Sean de Guzman at Joel Lamangan

IPINALIWANAG ng veteran award-winning director na si Joel Lamangan ang tema at konsepto ng bago niyang pelikula, ang “Sa Kanto ng Langit at Lupa” na pagbibidahan ni Sean de Guzman.

Natanong kasi si Direk Joel sa naganap na story conference ng pelikula kung anong mensahe ang nais niyang iparating sa mga manonood.

Iikot kasi ang kuwento ng “Sa Kanto ng Langit at Lupa” sa mga taong kumakapit na sa patalim para lang mabuhay ang sarili pati na rin ang kanilang pamilya.

“Kalimitan kasi sa atin, marami tayong nakikita na hindi na natin nakikita. Mag-travel ka sa daan. Pag trapik, maraming kakatok sa iyo, humihingi ng pera, nagbebenta, parang hindi na natin nakikita. Pero nandiyan sila. Aalis na tayo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Sean De Guzman (@seandgman_)


“Yung mga taong yun ang pinagbibigyan ko ng pansin. Yung mga taong yun ang walang boses. Yung mga taong yun ang dapat nating maramdaman.

“Sila yung nakikita pero parang hindi nakikita. Yung mga naggaganyan-ganyan para linisin ang salamin ng sasakyan mo. Gaganyan-ganyan ka lang, paaalisin mo,” ang pahayag ni Direk Joel.

Aniya pa, “Yun ang mga nakikita natin na hindi natin nakikita! Iyon ang mga buhay na dapat nating ipakita. Iyon ang gusto kong ipakita sa pelikulang ito.

“At mapansin at bigyan ng pag-a-analyze, at maramdaman. Ang mahirap, yung hindi maramdaman. At maramdaman. Yun lang naman ang gusto ko.

“Hindi ako nagpi-preach. Hindi ko pini-preach na, ‘Ganito! Ganyan.’ Hindi ganoon, darling. Ipapakita ko lang ang isang partikular na reyalidad para maramdaman. Kung gusto mong gumawa ng paraan, bahala ka,” paliwanag pa niya.

Natanong din ang premyadong direktor kung may kanya-kanyang sex scenes ang cast members ng “Sa Kanto ng Langit at Lupa”.

“Hindi lahat may daring na eksena dito. Hindi naman ito pelikula na lahat ng lalaki at babae dito ay magkakangkangan. Hindi.

“Ang pinakaimportante dito ay ang istorya ng bawat isang karakter upang mabuhay ngayong panahon na ito,” aniya.

Samantala, isa sa malaking challenge kay Direk Joel sa  pelikulang ito ay ang pagsu-shooting sa mga kalsada.

“At iba’t ibang kalsada! Takbuhan nang takbuhan sa kalsada. Tapos nasa ilalim pa ng tulay?! Doon nakatira?!

“Nag-research ako sa ilalim ng tulay. Kapag umuulan, tumataas ang tubig. Lumilikas lahat sila dun sa ibabaw ng tulay.

“Kaya parang mahihirapan akong isapelikula ito lalo na ngayon na tag-ulan! Maaaring mabago, maaaring hindi sa ilalim ng tulay ang tirahan nila.

“Para tuloy, kung hindi, hindi na ito matutuloy. Anong gagawin ko pag bumaha na sa ilalim ng tulay? Stop?! Hindi puwede.

“Pero yung istorya ay konkreto pa rin kung ilalagay natin sa isang depressing na lugar. Ano pa ba ang depressing sa kanto ng langit at lupa, saan yun? Yung mga taong nakatira sa sementeryo.

“Sinasabi ko lang, magandang setting yung ilalim ng tulay pero sa panahon ngayon, ulan nang ulan, e, tumataas ang tubig sa ilalim ng tulay.

“Hindi puwedeng mag-shooting. Pinuntahan ko na, apat na ilalim ng tulay. Parating ganoon. Pag umuulan, tumataas ang tubig.

“At kapag tumaas ang tubig, hindi kaaya-aya. Hindi niyo matatagalan ang amoy ng tubig. Kasi, yung mga nakatira sa ilalim ng tulay, dun sila umeebak.

“Kapag umulan, nakalutang dun lahat ng ayaw mong makita at maamoy! Paano ako magsu-shooting?

“Pagkatapos kong mag-ocular sa mga ilalim ng tulay nahulog pa ako! Du’n na lang sa sementeryo na may mga taong nakatira. It is so depressing. Kapag umuulan, nandu’n pa rin sila, hindi naman tumataas ang tubig du’n,” chika pa ni Direk.

Makakasam ni Sean sa “Sa Kanto ng Langit at Lupa” sina Royce Cabrera, Jiad Arroyo, Marco Gomez, Jim Pebanco, Alan Paule, Quinn Carillo, Mon Mendoza, Rob Guinto, Diyay Carabeo, Calvin Reyes at Itan Magnaye.

Donnalyn Bartolome hindi apektado sa bashers ng kanyang ‘kanto birthday’ party: Wala akong tinatapakang tao!

Madam Inutz may pa-house tour; nanay na maysakit napaiyak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sid nanligaw noon kay Iya, si Drew ang naging ‘tulay’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending