Madam Inutz may pa-house tour; nanay na maysakit napaiyak Bandera

Madam Inutz may pa-house tour; nanay na maysakit napaiyak

Therese Arceo |October 28,2021
share this

Madam Inutz may pa-house tour; nanay na maysakit napaiyak

Therese Arceo October 28, 2021 - 03:29 PM

Madam Inutz may pa-house tour; nanay na maysakit napaiyak

SOBRANG saya si Madam Inutz sa kanyang blessing na bagong bahay na iniregalo ng kanyang talent manager na si Wilbert Tolentino.

Sa kanyang latest vlog na kinunan bago ang pagpasok niya sa Bahay ni Kuya ay ibinahagi nito na nasa kanya na ang titulo ng bahay at lupa.

“Dream come true talaga ang ginawa sa akin [na pagreregalo] ni Sir Wilbert.

“Matagal ko nang pangarap na magkaroon ng sariling bahay at lupa. Simula bata kami, talagang palipat-lipat kami ng bahay, walang tirahan. Naranasan pa namin na mapaalis… sobrang hirap ni nanay kya itong bahay para talaga sa kanya,” naiiyak na sabi ni Madam Inutz.

Muli na naman siyang naiyak sa kanyang pagpasok sa bago niyang bahay.

Bagamat hindi pa maayos ay nangako naman ang kanyang talent manager na pagagandahin nila ito habang nasa loob ng PBB house si Madam Inutz.

“Ayan Sir Wil, ito ‘yung niregalo mo sa akin. Ikaw na ang bahala rito. Alam ko ikaw Chinese, ikaw swerti, di ba?” biro pa nito.

Ibinahagi rin ni Madam Inutz ang ilang plano sa bahay gaya ng pagpapalaki ng espasyo sa baba ng bahay para na rin maging kwarto ng kanyang ina na may sakit.

Hindi naman alam ng kanyang ina na may bago na silang titirhan at hawak na niya ang titulo ng mismong bahay at lupa.

“Nay! Nay! Titulo! May bahay at lupa na ako,” sabi ni Madam Inutz sabay pakita ng titulo ng lupa sa ina na kanyang ka-video call.

Kita naman sa screen ang lubos na kasiyahan ng ina kahit naiiyak ito.

Ipinakita rin niya ang kanilang future home sa ina.

Sobra sobra naman ang pasasalamat ni Madam Inutz sa kanyang talent manager.

“Sa ngayon gusto ko munang magtrabaho kami nang maigi ni Sir Wil dahil walang katumbas ang ginawa niya sa akin. Siya ‘yung tumupad ng pangarap ko sa buhay. Hindi ko inaasahan na ganito siya mag-alaga sa talent niya.

“Sir Wil, thank you so much sa mga biyayang ibinibigay mo sa akin, sa tiwalang binibigay mo sa akin, sa buong suportang binibigay mo sa akin. Ipinapangako ko sa ‘yo, lahat ng pagsasamahan natin, baka pakasalan mo pa ako,” pabirong pero lubos na pasasalamat na saad ni Madam Inutz.

Paniguradong ang bagong bahay raw niya ang kauna-unahan niyang pupuntahan sa paglabas niya sa PBB House.

Related Chika:
Madam Inutz pangarap makabili ng sariling bahay; sumabak sa shopping challenge ni Sir Wil
Madam Inutz pinayagang mag-live kahit nasa PBB House para makatulong sa pamilya

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending