Donnalyn Bartolome hindi apektado sa bashers ng kanyang 'kanto birthday' party: Wala akong tinatapakang tao! | Bandera

Donnalyn Bartolome hindi apektado sa bashers ng kanyang ‘kanto birthday’ party: Wala akong tinatapakang tao!

Ervin Santiago |August 18,2022
facebook
share this

Donnalyn Bartolome hindi apektado sa bashers ng kanyang ‘kanto birthday’ party: Wala akong tinatapakang tao!

Ervin Santiago - August 18, 2022 - 12:46 PM

Julian Trono, Ella Cruz at Donnalyn Bartolome

MUKHANG hindi naman affected ang singer-actress at content creator sa pambabatikos ng mga bashers sa kanyang controversial “kanto-themed birthday party.”

Siguradong milyun-milyon ang kikitain ng nasabing YouTube vlog ni Donnalyn dahil milyones na rin ang nahamig nitong views mula sa kanyang mga subscribers.

Kaya walang dahilan para maapektuhan at ma-stress ang dalaga sa mga natatanggap na pangnenega dahil sa ipinalabas niyang birthday video na kinunan last month.

Sa kanyang official Facebook account, muling nagbahagi ang singer-actress at vlogger nitong Martes, Agosto 16, ng mensahe para sa lahat ng kanyang supporters pati na sa mga taong na-offend sa vlog na inilabas niya.

View this post on Instagram

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)


“My life before fame at di ko ikakahiya. Salamat sa mga tropa kong napatawa ako sa meme cake kong tutong dahil mahilig ako sa extra rice.. wag niyo isipin napahamak niyo ako, wala naman tayong tinapakang tao,” panimulang pahayag ni Donnalyn.

Patuloy pa niya, “Sa dami nang tumapos nung video, nakita ko sa comments madami tayong na-inspire na taong magsumikap after they saw my old pictures sa kanto at nung sinabi ko yung secret to success at the end of the video. Wala akong regrets. BEST BIRTHDAY OF MINE SO FAR!!”

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga kapwa niya “kanto peeps” na mula noon hanggang ngayon ay nagmamahal at nakasuporta sa kanya.

“Thank you Oomph TV fam and thanks to all my kind hearted kapwa kanto peeps for defending me. I feel God’s love and promises through you.

“25 days to edit. 8 editors including myself, 9 cameras, 8-10 hours of footage edited down to 33 minutes para sa video na may puso. We reached 5.2 Million Views in 5 days!!” aniya pa.

‘Kanto birthday party’ ni Donnalyn Bartolome binasag ng isang FB page: ‘Kelan pa naging b-day theme ang kahirapan?’

Donnalyn nilinaw na hindi kinasuhan si Jose Hallorina: Paano mo ko ako matatalo sa korte?

Donnalyn gumawa ng Filipino version ng ‘Squid Game’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending